Palakpakan naman ang PNP
MUKHANG seryoso sa ngayon ang Philippine National Police sa paghahabol ng mga tinaguriang “most wanted persons†na nagtatago sa mga lalawigan particular na sa Southern Luzon. Mula nang matanggap ko ang mga na-email ni SSupt. Wilben Mayor ang spokeperson ni PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima sangkaterba na agad ang nalambat ng mga wanted. Lumalabas na ang Quezon province ang pangunahing pinagtataguan ng mga kilabot na kriminal na matagal nang hinahabol ng batas.
Noong February 4 unang nalambat ng mga tauhan ni CSupt. Jesus Gatchalian, Regional director, Police regional office (PRO) 4-A, Calabarzon ang “No. 1 Most wanted Person†na si Aldwin Aquino Torres na may kasong rape sa Infanta, Quezon, nasundan ito noong Feb. 6 sa pagkakaaresto kay Wilfredo Franco Vicen sa Bgy. Lourdes, Plaridel, Quezon. Feb. 8 naman nang maaresto si George Villacorte, alias “ Mario Dela Cruzâ€/ “Ka Mulongâ€/ “Ka-Rommelâ€/ “Ka-MC†sa Bgy. Isabang, Tayabas. Feb. 9 nang maaresto si Jay-Ar Escar Sinilong ng Bgy. Mangero, San Andres at Feb. 11 naman nang maaresto si Ruben Pabellona Bonde sa kasong rape sa Gumaca.
Patunay lamang ito na may bayag na ang kapulisan ng Quezon na pasukin ang teritoryo ng mga New People’s Army (NPA) upang malambat ang mga pusakal nang maÂiharap ito sa husgado upang panagutin sa kanilang mga kasalanan. Maging pala ang Camarines Sur na lungga rin ng mga NPA ay matagumpay ring napasok ng kapulisan kaya nahuli nila ang mga pusakal na nagtatago. Kasi nga noong January 31 unang nalusutan ng mga tauhan ni SSupt. Arnold Ladea Albis, Deputy Director for Operation, Police Regional Office 5 ang mapanganib na lugar ng Bgy. Matacong, San Lorenzo Ruiz, Camarines Sur na ikinaaresto ni Ryan Brizuela Leona sa kasong rape. Hindi naman nakalusot si Jayson Sol Asiao ng Daet, Camarines Norte nang posasan siya ng mga tauhan ni SSupt. Albis sa kasong frustrated murder, gayundin ang sinapit ni Dennis Caldit Laxamana ng Bgy. Poblacion, Capalonga.
Marami pa akong isusulat na mga wanted sa susunod kung Banat upang mabigyan naman ng espasyo ang kasipagan at katapangan ng kapulisan sa lalawigan. Saludo ako PNP chief Purisima sa maganda mong layunin na mapanagot ang mga maysala sa batas, ngunit konting paalala lamang po Sir, bakit po binusalan na naman ninyo ang mga bibig ng kapulisan sa Manila Police District sa pagsagot sa mga katanungan ng reporters sa tuwing may krimeng nagaganap? Ayon sa mga officer on case bawal munng silang magsalita sa harap ng camera at tanging mga spokeperson lamang umano ng MPD ang may karapatang magsalita. Kung ganito na ang kalakaran sa MPD, dapat lamang na maglagay kayo mismo ng katulad ni SSupt. Mayor na tagapagsalita sa reporters. Abangan!
- Latest