Pagtatae: Ano ang solusyon?
NAALALA mo pa ba ang mga pagkakataon na ika’y nagtatae? Ang kadalasang dahilan nito ay ang panis na pagkain o maduming tubig.
Ayon sa mga doktor, kung hindi naman grabe ang iyong pagtatae ay huwag muna uminom ng mga tableta para tumigil ito. Ang pagtatae ay isang paraan ng katawan para alisin ang mikrobyo na pumasok dito.
Sundin ang mga payong ito:
1. Umiwas sa gatas. Maraming tao ay may “lactose intolerance.†Ang ibig sabihin ay hindi nila kaya tunawin ang mga pagkaing may gatas. Bilang kapalit sa gatas, puwede mong subukan ang yoghurt o keso.
2. Tingnan ang iyong mga gamot. Ang mga antibiotic, gamot sa ulcer, at vitamin C ay puwedeng magdulot ng pagtatae.
3. Kumain ng “clear liquids†lamang. Ang mga sopas ng manok, gelatin at lugaw ay mabuti sa tiyan. Huwag muna kumain ng karne at mamantikang bagay na mahirap tunawin.
4. Subukan ang BRAT diet. Ang kahulugan ng BRAT ay banana, rice, apple at tea. Ito ang mga pagkaing tutulong sa pagtigas muli ng iyong dumi. Ang saging ay may poÂtassium na kailangan ng katawan. Ang mainit na chamomile tea ay nakapagpapa-relax ng tiyan.
5. Uminom ng 10 basong tubig sa isang araw. MakakaÂtulong ito para mapalitan ang nawalang tubig sa katawan. Umiwas muna sa soft drinks at kape.
6. Magtimpla ng Oresol (oral rehydrating solution). Ihalo ang 1 basong tubig, 2 kutsaritang asukal at ¼ kutsaritang asin. Magpapalakas ito ng iyong katawan. Puwedeng gamitin ang “am,†yung tubig ng sinaing at lagyan ng konting asin.
7. Tingnan ang kulay ng ihi. Kapag madilaw na ang ihi at pakonti-konti na lang ang labas, ang ibig sabihin ay kulang ka na sa tubig. Uminom agad ng tubig, sabaw o oresol. Puwede rin ang Gatorade pero may kamahalan pa ito.
8. Maghugas ng kamay. Kung ika’y nagtatae, posibleng may mikrobyo kang nakahaÂhawa sa iyong dumi. Huwag ipasa ito sa iyong kasambahay. Huwag muna maghanda ng pagkain at maghugas lagi.
9. Kailan dapat pumunta sa doktor? Kapag ang pasyente ay nilalagnat, may matinding sakit ng tiyan, naninilaw, o may dugo sa dumi. Kapag siya’y nanghihina at hindi na makakain o makainom ng tubig, kailangan nang dalhin sa ospital. Ang mga bata at matatanda ang mga dapat mag-ingat sa pagtatae.
10. Magpahinga para lumakas ang iyong katawan. Good luck po.
- Latest