Tips sa pagtulog
GUSTO mo bang lumakas ang iyong katawan? Gusto mo bang makaiwas sa sakit? Isang paraan ay ang pagkakaroon ng sapat na tulog sa gabi. Ito ang mga napag-alaman ng mga eksperto tungkol sa tulog.
1. Ang tulog mula 11 p.m. hanggang 3 a.m. ay napakaÂhalaga. Ito ang panahon na naghihilom ang ating atay at buong katawan.
2. Matulog ng 8 oras bawat araw, mula 10 p.m. hanggang 6 a.m. Oo, alam ko marami sa atin ay kayang matulog ng 5 oras lang. Kung ika’y may edad na, baka puwede na ito, pero mas mainam pa rin ang makatulog ng 8 oras. Kung hindi ka na inaantok, ay puwede naman humiga na lang sa kama at magpahinga. Nakaka-relax na rin ito.
3. Tama ang sabi ng matatanda, dapat maagang ma tulog para maaga rin magising. Bukod sa mabuti sa katawan, ito ang gawain ng mga masisipag at umaÂasenÂso sa buhay.
4. Kung may trabaho ka sa gabi, bawiin na lang sa araw. Eh, paano na ang mga nagta-trabaho sa call centers, mga night shift at may gimmick sa gabi? Iba pa rin kasi ang tulog sa gabi kumpara sa tulog sa araw. Alam ng katawan natin na gabi na dahil wala nang araw.
Para makabawi sa tulog, ayusin ang iyong kuwarto na maging madilim. Lagyan ng takip ang mga bintana. Subukang makatulog ng 7-8 oras para makabawi sa puyat.
5. Kung kulang ka sa tulog, magsiyesta sa hapon para mapunuan ang kailangan mong 8 oras na pahinga.
6. Kapag ika’y inaantok, matulog. Ang pagka-antok ay isang senyales na gusto ng katawan na magpahinga. Pakinggan natin ang katawan at magpahinga na.
7. Huwag din lalampas sa 10 oras na tulog. May pagÂsusuri rin na masama ang sobrang pagtulog. Baka may sakit ka na.
8. Ibagay ang tulog sa iyong edad. Kapag tayo’y wala pang 20 years old, puweÂdeng 9-10 na oras ang tulog. Ngunit pagdating natin sa edad 30 at 40, mas maikli na ang tulog sa 7-8 na oras. Kapag lampas na sa edad 60 at 70, nagiging 6 na oras na lang ang tulog. Gayunpaman, kailangan pa rin ng ating katawan ang lakas at sigla na naibibigay lamang ng tulog.
- Latest