Mahigpit na pagpapatupad sa motorcycle lane, simula ngayon
MANILA, Philippines — Simula ngayong araw na ito ng Miyerkules ay mahigpit na ring ipatutupad ang motorcycle lane sa EDSA.
Kahapon pa lang ay nakaposte na ang mga enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa handang panghuhuli sa mga rider na lalabag sa naturang traffic scheme.
“We are maximizing the use of the lanes along Edsa, which only have lanes,” sabi ito ni Jojo Garcia, MMDA assistant general manager for planning.
Nabatid na ang motorcycle o blue lane ay nasa ikaapat na lane mula kanan ng sidewalk ng EDSA.
Subalit ayon sa MMDA ang motorcycle lane ay hindi exclusive para sa kanila, dahil maaari itong gamitin ng mga pribadong motorista kapag walang dadaang motorsiklo.
Hindi katulad ng yellow lane na exclusive lamang para sa mga pampublikong bus.
Ang mga mahuhuling lalabag ay pagmumultahin ng halagang P500.
Layunin ng naturang traffic scheme ay para na rin sa kaligtasan ng mga rider laban sa mga aksidente sa kalsada.
- Latest