Walang mafia sa Quinta market -- Ass. President
MANILA, Philippines — Walang mafia sa Quinta Market.
Ito ang binigyan diin ni Arnold Chico, pangulo ng Quinta Stallholders Association sa panayam ng mga mamamahayag.
Ayon kay Chico, posibleng mismong Marketlife ang nasa likod ng pagpapakalat ng isyu ng mafia sa Quinta upang ma-divert ang totoong isyu sa moratorium.
Sinabi ni Chico na ang dalawang taong moratorium sa paniningil sa rental sa mga stall sa bagong Quinta Market.
Aniya, nais lamang nilang makakuha ng kasagutan mula sa Marketlife Leasing and Management Corporation kung bakit hindi nito sinunod ang kautusan ni Manila Mayor Joseph Estrada na walang dagdag sa renta sa loob ng dalawang taon upang makabawi muna ang mga vendors.
Bukod dito, mismong si Jerome Paruganas na nagpakilalang pangulo ng United Vendors Association ay hindi vendor sa loob at labas ng Quinta Market.
“Posibleng pakawala si Paruganas ng mga gustong sirain ang proyekto ni Mayor Estrada” ani Chico.
Nabatid na mismong si Estrada ang nag-utos na imbestigahan ng konseho ang isyu hinggil sa mataas na paniningil ng Marketlife.
- Latest