^

Metro

Mga magulang binalaan sa school supplies

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Mga magulang binalaan sa school supplies
Ayon sa naturang grupo, dapat piliing mabuti ng mga magulang ang mga bibilhing gamit pampaaralan ng mga anak sa pasukan para matiyak na ligtas ito sa lead, isang kemikal na nakakasira ng utak ng tao.
Philstar.com file

MANILA, Philippines – Binalaan ng non-profit watch group for toxic chemicals na Ecowaste Coalition ang publiko partikular ang mga magulang na maging mapili at ma­ging alerto sa mga bibilhing school supplies para sa mga  anak sa darating na pasukan sa Hunyo.

Ayon sa naturang grupo, dapat piliing mabuti ng mga magulang ang mga bibilhing gamit pampaaralan ng mga anak sa pasukan para matiyak na ligtas ito sa lead, isang kemikal na nakakasira ng utak ng tao.

Gamit ang isang  portable X-Ray Fluorescence (XRF) device, napatuna­yan ng EcoWaste Coalition na may lead content ang  32  sa  75 school supplies na may scale na 201  hanggang  87,000 parts per million (ppm) na konti na lamang para maabot ang regulatory limit  na  90 ppm.

Ngayong taon, ang mga anila’y ilan sa nasuri nilang mga “dirty dozen” school supplies na may lead na mataas sa 5,000 ppm  ay ang  plastic envelope na may yellow handle ( 87,000 ppm), yellow thumb tack (78,700 ppm), “Artex Fine Water Colors” set ( 62,600 ppm), plastic envelope na may  red handle (36,800 ppm), orange metal water jug na may “Car” design (28,200 ppm) , “Rubber Duck” pencil pouch ( 27,800 ppm), yellow “Despicable Me” pencil pouch (22,000 ppm),  PVC keychain na may ice cream design (13,100 ppm), “Ronron” school bag (7,081 ppm), yellow vinyl coated paper clip (6,015 ppm), “Minghao” school bag (5,862 ppm) at “Snoopy” school bag (5,777 ppm)

Ngayong Mayo bago magpasukan sa Hunyo ay nagsagawa ng lecture tungkol sa childhood lead poisoning at prevention  ang grupo sa pangu­nguna ni Dr Erle Castillo, isang toxicologost sa harap ng mga magulang at kanilang mga anak sa isang day care center sa  Tatalon, Quezon City.

Nagpahayag din ng pag asa ang naturang grupo na maisesentro ng bagong administrasyon ang pangangalaga sa taumbayan laban sa mga nakalalasong produkto na dapat maitigil na ang produksiyon at pagbebenta dito sa mga pamilihan.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with