^

Metro

Magdyowa tiklo sa cybersex business

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

6 paslit nasagip 

MANILA, Philippines – Anim na kabataan na nasa edad 9 hanggang 16-anyos ang na­isalba ng mga ope­ratiba ng National Bureau of In­vestigation--Interna­tional Operations Divi­sion (NBI-IOD) kung saan nadakip naman ang mag­­live-in na operator­ ng cybersex den sa Ge­neral Trias, Cavite, sa isinagawang operasyon nitong naka­lipas na Sa­bado.

Kahapon ng umaga nang iprisinta ng NBI sa pangunguna ni Director Virgilio Mendez at NBI-IOD chief Danny Da­­ganso sa mamamahayag ang mga suspek na sina Marvin Lorenzo at Carolina Muzar, ng Gen. Trias Cavite, na nahaharap sa mga rek­lamong pag­labag sa Republic Act 9775 o Anti Child Porno­graphy Act 0f 2009; RA 10364 o Expanded  Anti-Traf­ficking in Persons In Act of 2012; RA 7610 o Anti-Child Abuse Law at RA 10175 Cybercrime Prevention Act of 2012 sa Cavite Prosecutor’s Office.

Mistulang family busi­ness o sabwatan sa loob ng pamilya ang nasa­bing cybercrime. Isa sa batang naisalba ay anak pa mismo umano ng mga suspek na ginagamit din sa cybersex business operation na ang lara­wan ay kabilang sa na­sam­sam na ebidensiya.

Nabuking ang ilegal na aktibidades ng mga suspek nang mismong ang Norway authorities na ang nagbigay ng impormasyon sa NBI hinggil sa lokasyon at aktibidad ng mga suspek na nasa General Trias Cavite.

Kaugnay umano ito nang pagkakadakip ng Norwegian counterpart sa mamamayan nilang si Johannes Vinnes, sa kasong Child Pornography noong Disyembre 2015 at natunton na sa Pilipinas nagmummula ang mga sex video at la­rawan ng mga kabataang sangkot sa cybersex.

Nagsagawa ng tra­cing at case build up ang NBI na nagturo kung saan matatagpuan ang mga cybersex den.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with