^

Metro

Valenzuela City walang pasok sa Huwebes

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Walang pasok sa lahat ng pampublikong tanggapan at mga paaralan sa lungsod ng Valenzuela sa darating na Nobyembre 12 kasabay ng ika-392 selebrasyon ng pagkakatatag ng siyudad.

Ito ay makaraang ideklara ng Malacañang sa pama­magitan ng Proclamation No. 1148 na “special non-working holiday” ang Nobyembre 12 (Huwebes) o “Araw ng Valenzuela” upang bigyang daan ang selebrasyon.

“It is but fitting and proper that the people of the City of Valenzuela be given full opportunity to celebrate and participate in the occasion with the appropriate ceremonies,” ayon kay Executive Secretary Paquito Ochoa.

Ang mga papasok naman na empleyado sa mga pribadong negosyo ay makakatanggap ng 30% dagdag sa kanilang arawang suweldo sa naturang araw.

Inaasahan naman na nakalinya ang ilang espesyal na programa at aktibidad sa selebrasyon habang libre naman ang panonood ng sine sa lungsod para sa lahat ng senior citizen na makakapagpakita ng kanilang Senior Citizen ID.

ACIRC

ANG

ARAW

ATILDE

CITY OF VALENZUELA

EXECUTIVE SECRETARY PAQUITO OCHOA

HUWEBES

NOBYEMBRE

PROCLAMATION NO

SENIOR CITIZEN

VALENZUELA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with