^

Metro

Campus na tututok sa robotics, matematika, itinayo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itinayo  na at nakatakdang pasinayaan ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela ang isang paaralan na tututok sa “Robotics”, Matematika at iba pang aralin sa siyensa sa pag-asang makadebelop ng mga internasyunal na scientist sa hinaharap.

Nakatakdang pasinayaan ang bagong Valenzuela School of Mathematics and Science (dating Valenzuela City Science High School) sa may A. Pablo Street, Brgy. Malinta, Valenzuela City, sa darating na Setyembre 1, 2014 na pangungunahan ni Mayor Rex Gatchalian.

Pinondohan ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela ang 4-palapag na paaralan na may 20 silid-aralan na aabot ng halagang P199 milyon.  Naglalaman umano ito ng “cutting-edge techno­logy” na may anim na laboratoryo sa “Physics and Robotics,  Speech, Computer, Chemistry, Biology, at Mathematics”.

Sinabi ni Ahna Mejia, hepe ng Valenzuela Public Information Office, ipinagmamalaki ng paaralan ang “interactive Smart Board”, isang white board na maaaring maging isang “computer touch screen” habang “full WIFI zone” ang buong campus.

Itinuturing umano ni Mayor Gatchalian na “crown jewel” pagdating sa lokal na edukasyon ang naturang paaralan na agad na ookupahan ng nasa 700 mag-aaral buhat sa dati nilang paaralan sa Brgy. Dalandanan.

AHNA MEJIA

BRGY

MAYOR GATCHALIAN

MAYOR REX GATCHALIAN

PABLO STREET

PHYSICS AND ROBOTICS

SMART BOARD

VALENZUELA

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY SCIENCE HIGH SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with