8 NPA balik-loob sa pamahalaan
NORTH COTABATO, Philippines — Walong rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang sumuko sa militar sa Barangay Kuden, bayan ng Senator Ninoy Aquiño sa Sultan Kudarat, kamakalawa. Ayon kay Captain Rogelio Agustin Jr. ng Charlie Company ng 33rd Infantry Battalion ng Phil. Army, nagsisuko ang walo bitbit ang dalawang M16 Armalite rifles, dalawang landmine at mga bala. Naunang sumuko sina Ka Bobby at Ka Jimboy ng Clouphone Platoon ng NPA kung saan sila ang naging daan at tumulong para magbalik-loob sa gobyerno ang walong rebelde. Nangako naman ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan na tutulungan ang mga sumukong NPA rebs at bibigyan ng pangkabuhayan na proyekto. Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 60 NPA rebs ang sumuko mula sa bayan ng Senator Ninoy Aquino sa Sultan Kudarat.
- Latest