Tulak todas sa buy-bust
PAMPANGA, Philippines - Nauwi sa pagkamatay ng sinasabing notoryus na tulak-droga matapos itong makipagbarilan sa mga pulis sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay San Jose sa San Fernando City, Pampanga kamakalawa ng hapon. Base sa police report na nakarating kay P/Supt. Joel Consulta, Pampanga provincial police director, kinilala ang napatay na si Jojo “Jojo” Villegas y Salagar ng nasabing barangay. Nabatid na nakatunog si Jojo sa ikinasang anti-drug operation ng pulisya kaya tinangkang manlaban subalit napatay. Narekober sa encounter site ang 15 plastic sachet ng shabu, assorted drug paraphernalia,P1000 marked money at ang cal. 38 revolver. Sinasabing sangkot din si Jojo sa serye ng nakawan sa nasabing barangay. Itinanggi naman ng pamilya ni Jojo na pusher ito subalit aminado ang mga ito na gumagamit ng droga.
- Latest