^

Probinsiya

Karpintero utas sa energy drink

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Karpintero utas sa energy drink

Kinilala ang biktima na si  Jessie Yusi Don ng San Jacinto, Masbate. Sa ulat ng Sorsogon City Police na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-8:27 ng umaga  nang makatanggap ng impormas­yon ang pulisya kaugnay sa pagkamatay ng biktima sa barracks sa construction site ng kilalang fastfood chain. File photo

MANILA, Philippines – Pinaniniwalaang na-overdose umano ng apat na energy drink kaya namatay ang 37-anyos na karpintero na hindi na gumising sa kaniyang pagkakatulog na hinihinalang inatake sa puso sa barracks ng construction site sa Barangay Talisay, Sorsogon City, Sorsogon kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang biktima na si  Jessie Yusi Don ng San Jacinto, Masbate.

Sa ulat ng Sorsogon City Police na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-8:27 ng umaga  nang makatanggap ng impormas­yon ang pulisya kaugnay sa pagkamatay ng biktima sa barracks sa construction site ng kilalang fastfood chain.

Agad namang rumes­ponde ang mga pulis su­balit wala namang makitang anumang palatandaan na pinatay ang biktima.

Sa pahayag ng mga kasamahang trabahador, bago ito natulog ay uminom umano ng apat na bote ng kilalang energy drink kung saan kinaumagahan habang ginigising ito ay nadiskubreng patay na.

Pinaniniwalaan namang inatake sa puso ang biktima bunga ng overdose sa pag-inom ng energy drink.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with