Guimaras Manggahan Festival, ilulunsad
MANILA, Philippines – Ipagdiriwang ang ika-23 Manggahan Festival at ika-24 Foundation Day simula Mayo 11 hanggang 22, 2016 sa lalawigan ng Guimaras
May temang “Forward we go. Together we grow. Padayon Guimaras,” ang nasabing festival na maghahandog ng socio-cultural, agri-tourism, entertainment at sports activities.
Pangungunahan ni Guimaras Governor Samuel Gumarin, M.D., ang festival na isang tradisyon na sinusubaybayan ng local folks at maging ng mga turistang lokal at banyaga.
Opisyal na magsisimula ang nasabing festival sa pagbubukas ng Agri Trade and Tourism Fair sa Mayo 11 na tatampukan ng mga pagkain, crafts at iba pang produkto na gawa ng Guimarasnons.
Sa nasabing petsa, gaganapin din ang Manggahan Photo Contest 2016 Exhibit at Pintraysekel, Pinta Basurahansa Manggahan, Employees’ Day.
Ilalatag ang 7- toneladang mangga kaugnay sa Mango-Eat-All-You-Can Contest sa Mayo 14 kung saan ang mga lalahok ay dapat mag-post ng best Guimaras Manggahan Experience Photo sa Facebook, i-tag at banggitin ang Guimaras Manggahan Festival Facebook page mula Marso 7 hanggang Mayo 2. 10 winners ang tatanggap ng libreng pases sa contest at souvenir item.
Ang festival ay magtatapos sa May 22 kung saan ipagdiriwang ang 24th Foundation Day ng Guimaras.
- Latest