^

Probinsiya

Bata na-tetano sa tuli, dedo

- Joy Cantos -

Napaaga ang salubong ni kamatayan sa isang 11-anyos na batang lalaki makaraang dapuan ng bacterium clostridium tenani (tenanus o lockjaw) dahil sa libreng pagpapatuli na inis­ponsoran ng isang kongres­man sa Negros Oriental, ayon sa ulat kahapon.

Sa police report na isi­numite sa Camp Crame, na­kilala ang biktima na si Gino Erojo, Grade 5 pupil sa Lucay Elementary School at residente ng Ba­rangay Pan­ciao sa bayan ng Manjuyod. 

Sa nakalap na impor­masyon ng pulisya mula sa salaysay ng lola ng biktima na si Lydia Amantillo, sina­mantala ang pagkakataon ng kanyang apo ang libreng tuli sa medical mission ng isang kongresman sa kani­lang lalawigan noong Huwe­bes ng Hulyo 24.

Gayon pa man, makali­pas ang ilang araw, dina­puan ng mataas na lagnat ang biktima kasabay nito ang pamamanhid ng buong katawan dulot ng nasabing bacteria hanggang sa isu­god ito sa Negros Oriental Provincial Hospital.

Binawian ng buhay ang biktima  may tatlong araw na ang nakalipas matapos kumalat sa katawan ang bacteria kung saan nag-produce ng toxin na isinisisi naman ng pamilya nito sa hindi sanitized na gamit sa medical mission.  

Ikinatwiran naman ng mga nagsagawa ng medical mission na posibleng sa ibang aksidente nakuha ng bata ang tetanus na ikina­matay nito.

BINAWIAN

ELEMENTARY SCHOOL

GINO EROJO

LYDIA AMANTILLO

NEGROS ORIENTAL

PLACENAME

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with