Rider dedo sa pananambang
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Isa ang patay habang kritikal naman ang kasama nito makaraang tambangan ng tatlong hindi kilalang kalalakihan sa Barangay Caditaan, bayan ng Ragay sa Camarines Sur kahapon ng madaling araw. Dalawang tama ng bala sa ulo ang tumapos kay Harrison L. Quibral, 30, habang kritikal na ginagamot sa Bicol Medical Center sa Naga City ang kaangkas nitong si Eris Perez, 29, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Base sa police report na nakarating sa Camp General Simeon Ola, pauwi na ang mga biktimang magkaangkas sa motorsiklo nang tambangan ng gunmen. Pinaghahanap naman ng pulisya ang mga suspek kabilang si Michael Bagangan ng Barangay Samay sa nasabing bayan.
- Latest