^

Police Metro

Kampanya arangkada na

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nag-umpisa na kahapon ang 90 araw na kam­panya sa 2016 May elections ng mga tumatakbong presidente, bise-presidente, mga senador, at partylist representatives.

Duterte-Cayetano

Hindi pa man su­misikat ang araw ay nagsimula nang suyurin ng tamba­lang Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano ang mga residente ng Brgy. 286 Zone 26, Delpan, Binondo.

Ginulat nina Duterte at Cayetano ang mga residente nang mag-midnight snacks ang mga ito sa naturang lugar sa pamamagitan ng pag-aalmusal ng pancit canton, itlog na maaalat at pandesal.

Matapos bumisita ay isinagawa na ng dalawa ang  proclamation rally sa Tondo at nangako na itutuloy nila ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program at sakaling manalo ay kanilang tataasan ang halaga nito.

Nangako din ang da­lawa ng pagbibigay ng sustainable livelihood programs para sa mga mahihirap na Filipino.

Poe-Chiz

Nagsagawa naman ng proclamation rally ang tambalang Senador Grace Poe at Chiz Escudero sa Plaza Miranda, Quiapo, Maynila na nag-umpisa kahapon ng alas-4:00 ng hapon.

Ayon kay Poe na kaya nila pinili ang Plaza Miranda dahil dito inilunsad ang kanyang kandidatura para sa pagiging senador noong 2013 at ito rin umano ang lugar kung saan ang mga supporter ng kanyang yumaong ama na si Fernando Poe Jr., noong 2004 ay nagbigay ng suporta dahil din sa isyu ng disqualification.

Mar-Leni

Sa Roxas City naman isinagawa ng tambalang Mar-Leni ang kanilang kick off rally kasama si Pangulong Benigno Aquino lll.

May ilang singers lamang na bitbit ang kampo ni Mar upang maging entertainers subalit walang mga twerki dancers tulad sa Liberal Party event noon sa Laguna na bitbit ni independent senatorial candidate at dating MMDA chairman Francis Tolentino.

Mismong si Pangulong Aquino ang humimok sa mga botante na suportahan ang buong Liberal Party candidates sa pangunguna nina Mar at Camarines Sur Rep. Leni Robredo kasama ang buong senatorial ticket ng LP coalition.

Binay-Honasan

Umarangkada na rin ang proclamation rally ng pambato ng United Nationalist Alliance (UNA) na si Vice President Jejomar Binay at Senator Gringgo Honasan dakong alas-4:00 ng hapon sa Martinez St., malapit sa Shaw Central Mall sa kanto ng Nueve De Pebrero sa Mandaluyong City.

Miriam-Marcos

Sa Batac, Ilocos Norte pinili ng tambalang Sen. Miriam Defensor-Santiago at Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanilang campaign kick-off na hometown ng huli na namayapang si dating Pa­ngulo Ferdinand Marcos.

Sa pahayag ni Miriam na kung siya ang manalo bilang Pangulo at may nangyari sa kanya nais niya na ang pumalit ay yung kabataan at puno na idealistic na si Marcos.

Sinabi rin ni Santiago na hindi siya uurong sa pagtakbo kahit na tanungin nito ang kanyang mister.

“Ako naman, inaalok ko lang ang aking karanasan sa gobyerno. Ang daming sekreto sa gobyerno e,” wika ni Santiago.

“I tell you this, once I become the President of this country, all the people who stole the pork barrel, amounting to billions of pesos shall be sent promptly to brand-new jails,” pag­wawakas ni Santiago.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with