P300-P400 mandatory drug test tanggal na
MANILA, Philippines -Tinanggal na sa batas ang mandatory drug test na nagkakahalaga ng P300-P400 para sa mga kukuha o magre-renew ng driver’s license.
Ito ang ipinaalala kahapon ni Senator Vicente “Tito†Sotto III sa pamuÂnuan ng Land Transportation Office (LTO) dahil ang pagtanggal sa mandatory drug testing sa pagkuha ng driver’s license ay nakapaloob sa Republic Act 10586 o ang Anti-Drunk and Drugged DriÂving Act of 2013, kaya’t hindi maaÂring igiiit ng LTO na hindi nila susundin ang batas.
“I’m very glad by the way that the President signed into law the anti-drug and alcohol because that removes the P300-P400 drug testing in secuÂring a license. Wala na yon. Sabi ng LTO ipipilit daw nila. Anong ipipilit nila. Wala na sa batas, inalis na,†sabi ni Sotto.
Sa bagong batas na pinirmahan ni Pangulong Benigno Aquino III kamaÂkailan, ang sasailaÂlim na lamang sa drug test ay ang mga drivers na nasangÂkot sa aksidente o pinaghihiÂnalaang lasing o nakagaÂmit ng ilegal na droga.
Inihayag pa ni Sotto na nang ipasa nila ang batas tungkol sa dangerous drugs kinontra niya ang probisyon tungkol sa mandatory drug testing bago makakuha ng lisensiya dahil hindi naman ito makakatulong sa pagsugpo sa paglaganap ng ipinagbabawal na gamot at posibleng magamit pa para pagkakitaan ang mga drivers.
Ipinaliwanag pa ni Sotto na hindi naman “conclusive†pag nagpositibo sa droga ang isang nagpa-drug test dahil posibleng nagpositibo lamang ito matapos ang ilang araw na pag-inom ng gamot para sa ubo o sipon.
Napatunayan na rin umano na hindi epektibo ang mandatory drug tesÂting sa mga kumukuha ng lisensiya dahil mula 2002 hanggang 2007 o limang taon lumabas na 0.06 porsiyento lamang ang nag-positibo sa droga.
- Latest