NU Lady Bulldogs diretso sa No. 13 win
MANILA, Philippines — Walang naging problema para sa ‘four-peat’ seeking na National University kahit wala si coach Patrick Aquino.
Pinatumba ng Lady Bulldogs ang University of the Philippines Lady Maroons, 76-35, sa UAAP Season 80 women’s basketball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Napatawan si Aquino ng one-game suspension matapos mapatalsik sa panalo ng NU laban sa Ateneo.
“It was a good win for us. We took this game para mag-improve kami. We did not take UP lightly kahit ‘yung standings nila nasa bottom. I told them hindi iyan talaga ‘yung strength nila. I just reminded the girls to take care of business today,” sabi ni assistant coach Aries Dimaunahan.
Pinangunahan ni Je-Anne Camelo ang panalo ng Lady Bulldogs mula sa kanyang 14 puntos kasunod ang 13 at 12 marka nina ‘twin towers’ Jack Animam at Rhena Itesi, ayon sa pagkakasunod.
Ito ang ika-13 sunod na panalo ng NU ngayong season at pang-60 sa kabuuan.
“That’s part of this game na in preparation for this homestretch. Kailangan naming gawin kung ano ang dapat. Ang kailangan naming gawin in this game prior towards doon sa homestretch. I think we did a good job playing today and hopefully madala namin ‘yun sa playoffs,” dagdag pa ni Dimaunahan.
Ito naman ang ika-13 sunod na kabiguan ng Lady Maroons.
- Latest