^

PM Sports

Ang laban na ito ng Jose Rizal ay para kay Pontejos

RCadayona - Pang-masa

LARO NGAYON

(Mall of Asia Arena)

2 p.m.- La Salle-Greenhills vs Arellano (Jrs)

4 p.m.- Jose Rizal vs Mapua (Srs)

 

MANILA, Philippines –  Malaki ang naitulong ni guard Paolo Pontejos sa pagpasok ng Jose Rizal University sa Final Four ng 91st NCAA men’s basketball tournament.

Ngunit dahil sa pagkamatay ng kanyang ama noong nakaraang linggo ay posibleng hindi maglaro si Pontejos sa agawan ng Heavy Bombers at Mapua Cardinals sa No. 3 seat.

“It’s up to him if he wants to play,” sabi ni Jose Rizal coach Vergel Meneses kay Pontejos, umiskor ng 23 points sa kanilang 91-69 panalo laban sa sibak nang San Sebastian noong nakaraang linggo na nagpasok sa kanila sa Final Four.

Lalabanan ng Heavy Bombers ang Cardinals ngayong alas-4 ng hapon sa playoff para sa No. 3 slot sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang mananalo sa pagitan ng Jose Rizal at Mapua ang uupo sa No. 3 at makakatapat ang No. 2 Letran, samantalang ang matatalo ang mahuhulog sa No. 4 at sasagupain ng five-peat champions at No. 1 San Beda sa Final 4. Parehong may ‘twice-to-beat’ advantage ang Red Lions at Knights.

Nagtala ng magkakatulad na 12-6 kartada ang Heavy Bombers, Cardinals at 2014 runner-up na Arellano Chiefs matapos ang elimination round.

Ngunit nagbitbit ang Jose Rizal ng pinakamataas na quotient score na 20 points kumpara sa Cardinals (-1) at Chiefs (-20).

Nakamit ng Mapua ang huling tiket sa Final Four nang patalsikin ang Arellano, 93-75 sa kanilang playoff noong nakaraang Martes.

Hindi man makapaglaro si Pontejos para sa Heavy Bombers ay hindi na ito problema ng Cardinals.

“We don’t really think much of other teams because we’re focusing on our game and how we would win,” sabi ni Mapua star forward Josan Nimes na kumamada ng 21 points sa kanilang panalo sa Arellano.

Sa juniors division, lalabanan ng No. 4 La Salle-Greenhills ang No. 3 Arellano sa alas-2 ng hapon para sa karapatang sagupain ang No. 2 Mapua sa stepladder semis.

Sa kanilang 18-game sweep ay awtomatikong nakamit ng six-peat champions na San Beda Red Cubs ang unang finals seat at hahawak ng 1-0 bentahe sa best-of-five title series.

ACIRC

ANG

ARELLANO

ARELLANO CHIEFS

FINAL FOUR

HEAVY BOMBERS

JOSE RIZAL

LA SALLE-GREENHILLS

MALL OF ASIA ARENA

MAPUA

PONTEJOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with