De Jesus, ‘di muna lalaro sa Foton sa PSL
MANILA, Philippines - Para asikasuhin ang mga dapat gawin, nagsabi si Ella de Jesus ng UAAP women’s volleyball champion team na Ateneo, sa Foton management na sa susunod na PSL confe-rence pa siya lalaro ngunit makikipag-practice pa rin siya sa team para manati-ling nasa kondisyon.
Na-draft si De Jesus ng Foton ngunit inireres-peto ng management ang desisyon ng player bagama’t malaking kawalan ito sa kanila lalo na’t malaking tulong sana siya sa team.
Gayunpaman, naniniwala ang Foton na malakas pa rin sila sa kasalukuyang line-up na kinabibilangan nina Angeline Pauline Araneta, Pamela Tricia Lastimosa, Royce Estampa at May Jennifer Macatuno bukod pa sa mga core players mula sa koponan noong nakaraang taon.
“The team just underwent a team building and we can say the team is now ready, it has both the heart and hustle,” sabi ni Foton team ma-nager Alvin Lu.
Sinabi rin ni Lu na sabik na si De Jesus na makasama uli ang da-ti niyang mga Ateneo teammates na sina Angeline Gervacio, Bea Tan at Kara Acevedo.
Samantala, posible ring di muna lumaro ang isa pang Ateneo player na nakuha ng Foton sa draft na si Denden La-zaro dahil sa problem sa schedule.
Planong kumuha ni Lazaro ng medicine kaya magkaka-conflict sa kanyang schedule.
Mananatili sa Foton ang draft right kay Lazaro.
- Latest