FIBA 3x3 World Tour iho-host ng Manila
MANILA, Philippines – Bilang pagsuporta sa hangarin ng FIBA na i-promote ang streetball, kinumpirma ng SBP na ang Manila ang magiging host ng Asia Pacific Masters leg ng FIBA 3x3 World Tour ngayong taon at ang FIBA 3x3 World Tour Finals sa 2017.
Sinabi ni SBP executive director Sonny Barrios na ang FIBA 3x3 World Tour Finals ay gagawin saAbu Dhabi, United Arab Emirates ngayong taon at sa susunod na taon.
Ang Miami ang naging host ng inaugural World Tour Finals noong 2012 na pinagwagian ng San Juan ng Puerto Rico at ang 2013 edition ay ginanap sa Istanbul na pinagwagian ng Brezovica ng Slovenia. Noong nakarang taon, ang event ay ginanap sa Sendai, Japan kung saan ang Novi Sad ng Serbia ang kampeon.
“Abu Dhabi will host the 2015 and 2016 World Tour Finals,” sabi ni Barrios. “So we’ll take our turn in 2017. We hosted the Manila Masters leg last year and we’ll do it again for Asia Pacific this year. We’ll skip 2016 then host the Finals in 2017. We hope by then we will have been chosen to host the 2019 FIBA World Cup.”
Ang The World Tour Finals ay gagawin sa Corniche, isang park complex at tourist destination sa Abu Dhabi sa Oct. 15-16. Ang Abu Dhabi ang host ng World Tour Finals ng dalawang sunod na taon.
Sinabi ni Barrios na nais ng FIBA na maisama ang 3x3 o streetball game sa Olympics.
- Latest