Paano mag-budget ang isang pamilya?
Ang budget ay paglilista sa mga kinikita, ginagastos, at pagtatabi ng pera na puwedeng para sa isang araw, panglingguhan, o buwan.
Lahat ay dapat mag-isip ng kung paano ang pagtustos o paggamit ng pera. Puwedeng estudyante, indibiduwal, pamilya, kumpanya, grupo, magbarkada, magkaibigan na naghahanda ng mga budget.
Maraming pamilya ang naghahanda ng budget buwan-buwan. Ginagawa nitong mas madali ang pagplano sa paggamit ng pera.
Narito ang mga listahan ng budget ng isang pamilya: Pagkain, mortgage, kuryente, tuition fees, gasoline, tubig, telepono, pautang, insurance, at marami pang iba.
- Latest