^

Pang Movies

Mother Lily kuntento na sa kinita ng Haunted Forest

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Excited and satisfied si Mother Lily Monteverde sa box-office results ng kanyang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017 entry na Haunted Forest, directed by Ian Loreñas.

“Hindi man maituturing na overwhelming,” ani Mother Lily na tinutukoy ang kinita ng movie, “At least, kumita. At kumikita pa.”

Pawang mga bagets at baguhan ang major members ng cast ng Haunted Forest, maliban kina Raymart Santiago na gumaganap sa isang demanding role at kay Joey Marquez na nag-enjoy sa paggawa ng pelikula dahil nakakaaliw daw ang young co-stars niya.

Mga bida sa movie sina Jane Oineza, Maris Racal, Jameson Blake at Jon Lucas. Lahat sila ay Kapamilya ta­lents, kaya, labis-labis daw ang pasasalamat ni Mother Lily na ‘ipinahiram’ sila ng ABS-CBN sa kanya.

May kaagad nga pa lang showing na movie si Mother Lily. Ito ‘yung Mama’s Girl, kung saan si Sofia Andres ang gaganap sa title role. Si Sylvia Sanchez ang gaganap na nanay niya. Leading man ni Sofia si Diego Loyzaga sa nasabing project.

Of Sylvia, do you know na nakasama siya in her earlier years sa mga pelikula ni Mother Lily? Pag-amin pa ni Sylvia, doon siya nadiskubre para maging isang artista.

Now, of course, Sylvia is a big star in her own right. Sa kanya nakasentro ang kuwento ng trending series na Hanggan Saan ng ABS-CBN.

At ‘di puwedeng isnabin ang mga co-star niya rito na kinabibilangan din lang naman nina Ariel Rivera, Teresa Loyzaga, Rommel Padilla at Eric Quizon among others.

Kasama rin sa movie sina Arjo Atayde at Sue Ramirez.

Aga, Charlene at kambal bumida sa jollibee commercial

Interestingly, marami ang na-excite at na-impress sa bagong TV commercial ng Jollibee, kung saan featured ang buong pamilya ni Aga Muhlach, ang misis na si Charlene Gonzales at ang kanilang kambal na sina Atasha at Andres.

Bale ba, isinama sa TVC ang unang commercial ng mag-anak, kung saan mga bata pa ang kambal.

Aga, for almost 10 years, has been, wika nga, the ‘face’ of Jollibee. Siya ang nakaisip ng advocacy associated with Jollibee, ang MaAga Ang Pasko, kung saan ine-encourage ang mga bata na every Christmas, i-donate nila ang kanilang luma at nakalakihan nang mga laruan sa mga naglalakihang donation boxes sa lahat ng Jollibee stores.

Ipamimigay naman ng Jollibee ang mga laruang ito sa ilang orphanage and several charity organizations.

Naalaala nina Aga at Charlene na frequent donors noon ang kanilang anak na kambal ng advocacy na ito ng Jollibee. Pati pa ang ilang kaklase nila sa international schools na kanilang pinapasukan.

Well, how time flies. Sixteen years old na ang Muhlach twins.

Album nina McCoy at Elisse hindi na nasundan

Maganda kaagad ang bungad ng taong 2018 sa magka-love team na sina McCoy de Leon at Elisse Joson. Anytime soon, magsisimula na silang mag-shoot sa isang Star Cinema movie.

Kung sa bagay, they both admit, wala silang complains, as far as the year (2017) past is concerned. Naging busy sila, lalo’t si McCoy na hanggang nga­yon ay nananatiling member ng Hashtags.

Isinama rin sila ni Coco Martin sa top series nitong FPJ’s Ang Probinsyano. Featured din sila sa kasalukuyang kumikitang entry nito sa MMFF na Ang Panday.

Nightly, too, except Saturdays and Sundays, napapanood sila sa top series na The Good Son, with Joshua Garcia, Jerome Ponce, Nash Aguas, Alexa Ilacad at Loisa Andalio.

And let’s not forget, nagkaroon din sila ng single. ‘Di na nga lang nasundan. Bakit kaya?

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with