^

Pang Movies

Pekeng fans, rumeresbak na sa ginawa ni Maine!

ISYU AT BANAT - Pang-masa
Pekeng fans, rumeresbak na sa ginawa ni Maine!

Maine Mendoza

“I deserve the hate,” ang panibagong message ni Maine Mendoza. Sinabi rin niyang si­guro nga siya ay naging isang makasariling spoiled brat, pero sa kabila nang sinabi niyang iyon, ang kanyang post ay sinundan ng mga favorable comments mula sa kanyang fans na nagsasabing ano man iyon, tiyak na nakasuporta pa rin sila dahil mahal nila siya. Kung titingnan mo rin ang reaksiyon ng mga journalist mula sa legitimate media, naniniwala silang tama ang ginawa ni Maine, maliban na lamang sa iilan na alam naman nating may “interests” na  naapektuhan ng statement niyang iyon.

Mapapansin din na nagsimula na ang pagkilos laban kay Maine. Hindi man diretsahan, maliwanag na may pagkilos para kumbinsihin ang fans, particularly ang AlDub na magbigay ng negatibong comments laban kay Maine. Mayroon pang iginigiit na nagpaalam daw ba si Maine sa producers nila o sa mga taong maaapektuhan ng kanyang open letter, lalo na nga kay Alden. Kung bakit kailangang magpaalam si Maine para ilabas ang damdamin niya matapos ang mga bastos na comment na lumabas laban sa kanyang mga kaibigan at sa kanya na rin ay hindi namin maintindihan.

May nagpalabas pa na may mga AlDub fans daw na nagtangkang mag-suicide dahil sa ginawa ni Maine. Kung kami ang tatanungin, insulto pa iyan sa fans na ginagawa nilang walang utak. At bakit hindi rin nila sinabing may nagtangkang mag-suicide nang hindi totoong niligawan ni Alden si Maine?

Walang duda na may naniniwala na ang ginawa ni Maine ay “damaging” para sa kanilang interests, at nagsisimula na sila ng kanilang “damage control”. Pero halata mong hindi sila sanay sa damage control dahil mali na ang kanilang sinasabi. Obvious na nag-panic sila sa ginawa ni Maine.

Pero kung kami ang tatanungin, we maintain our stand, tama ang ginawa ni Maine. Walang masama sa pagsasabi nang totoo.

Aktor-aktoran timbog sa gay orgy, buong showbiz kinaladkad!

It was a bad day for showbusiness. Noong umaga ay may naglabasang mug shots ng indie actor na si Eugene Tejada na nakapatay sa panggugulpi niya matapos na akusahang nang-manyak sa syota niya. Lumabas din ang balita na kanselado na ang lisensiya ni Maria Isabel Lopez sa loob ng dalawang taon, matapos na mapatunayan ng LTO na   “improper person to operate a motor vehicle”.

Inutusan siyang isuko sa LTO ang kanyang lisensiya at pinagmumulta pa ng walong libong piso para sa lahat nang ginawa niyang traffic violation.

Noong medyo gabi na, may lumitaw namang isang artista diumano na nahuli sa isang drug bust operation at kasali pa diumano sa orgy ng mga bakla sa isang hotel sa BGC. Kinilala nila ang sinasabing actor na isang Malik Coronel, na naging artista raw sa TV remake ng ABS-CBN noong Sana’y Wala ng Wakas. Nagkatanungan nga kami, wala isa mang nakakakilala kay Coronel, siguro ay bit player lang pero nakakasira sa industriya iyong sinabing isang actor ang sangkot sa gay orgy at droga.

Dapat kumilos ngayon ang KAPPT, at ang presidente nilang si Imelda Papin para itaas naman ang image ng mga artista matapos ang nakakasirang mga balitang ganyan. Kawawa ang mga artistang matitino, na nadadamay sa paglait sa mga artista dahil lamang sa mga ganyan.

May mga comment pang “akala nila dahil artista sila at sikat magagawa na nila lahat.” Unfair comment iyan dahil naniniwala pa rin kami na mas marami pang mga artistang matitino. Maraming artistang gumagawa nang mabuti.

Maraming mga artista na mabilis sa mga disaster relief and operations. Ilan lang naman ang ganyan.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with