^

Pang Movies

Animation movies pasok sa MMFF short films

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Mabilis lamang ang announcement and presentation ng official entries para sa coming 43rd Metro Manila Film Festival (MMFF) na magsisimula sa December 25, 2017 hanggang January 7, 2018. In-announce na rin na ang sponsor ng this year’s MMFF ay ang City of Muntinlupa na nagsi-celebrate ng kanilang Centennial Year. Kaya expected nang ang mga taga-Muntinlupa at mga kalapit lugar ang siya namang makakasaksi ng Parade of Stars sa December 23.  Ang Gabi ng Parangal naman ay magaganap sa December 27, sa Kia Theatre in Araneta Center, Cubao, Quezon City.

Bukod sa eight official entries ng MMFF, Inihayag na rin ang eight official entries ng short film category na: (1) Anino ng Chrox Productions (2) Anong Nangyari kay Nicanor Dante: ng EMlEI Films and Photographs (3) Black Market ng Lakan Media Creatives (4) Crab Mental ng Joaquin Bamba (5) Gunita ng Padawan Productions ng Pamantasan ng Maynila (6) Isang Gabi/One Night ng Lakan Media Creatives (7) Kinalimutan Natin Ang Mga Bata ng University of the Philippines Film Institute (8) Noel ng Go Motion Productions.  Ang dalawang huling short films ay parehong Animation.

Nanay at tatay ni Maine artista na rin!

Tilian ang audience sa Broadway studio kahapon nang ipakita for the first time ang new #MagnoliaIceCream Christmas TVCommercial nina Alden Richards at Maine Mendoza. Last week, natandaan namin na nag-request ang taga-Magnolia kung pwedeng i-delete ng mga nakakuha ng BTS (behind-the-scene) shots ng said TVC nang mag-shoot sila nito, dahil hindi ito pwedeng ipalabas muna hanggang hindi pa out ang bagong TVC. Nagpasalamat naman sila nang ma-delete na sa social media ang mga BTS.

Ikinatuwa nga ng fans na ang bagong TVC nina Alden at Maine ay kasama ang nanay at tatay ni Maine, sina Tatay Teddy at Nanay Mary Ann Mendoza na kilala sa tawag na Tatay Dub at Nanay Dub.  Ipinakita ang Filipino tradition na nagmano si Alden kina Tatay at Nanay, nang dumating siya sa bahay nina Maine.  Napapanood na ang said TVC sa TV at sa Facebook account ng ice cream brand.

Sunshine excited tumanggap ng award sa Amerika!

Umalis na si Sunshine Dizon papuntang Los Angeles, California, para tanggapin ang Best Actress award na igagawad sa kanya ng Gawad Amerika. Ang nasabing award-winning body ay kumikilala sa galing ni Sunshine sa pagganap bilang si Emma sa highest-rating daytime drama ng Kapuso Network.

Hindi nga naitago ni Sunshine ang tuwa niya sa nasabing award.

“Masayang-masaya po talaga tayo na nari-recognize ‘yung hard work natin and all our efforts. Nakakatuwa rin and nakakataba ng puso na ‘yung mga kababayan naman natin abroad ang magbibigay ng recognition na ganito sa atin,” sabi ni Sunshine.

Bago nga umalis si Sunshine nag-iwan pa siya ng pasasalamat sa mga patuloy na sumusuporta sa kanilang serye. “Salamat po sa patuloy ninyong suporta sa amin. We appreciate it. And we owe you our good ratings at umasa kayong mas magaganda pang eksena ang mapapanood ninyo sa amin.”

Hindi raw magtatagal si Sunshine sa LA, dahil patuloy pa rin ang taping nila ng afternoon prime dahil sabi’y aabot pa hanggang February, 2018 ang serye na dinidirek ni Laurice Guillen, at napapanood Mondays to Saturdays, after ng Eat Bulaga.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with