^

Pang Movies

Whaaat? Ate VI 34 lang daw!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Simple, tahimik at isang family affair ang naging celebration ni Congresswoman Vilma Santos ng kanyang ‘34th’ birthday kung tatanggapin natin ang deklarasyon niya. Pero biro lang iyon, alam naman ng mga tao na siya ay 64 years old na, pero tingnan ninyo ang hitsura niya. Nagka-edad nang maayos si Ate Vi, kaya hindi siya nagmukhang pindangga kagaya ng iba.

Mayroon nga riyan, mas batang ‘di hamak kay Ate Vi pero mukhang lola na niya. Papaano naman hinayaan ang sariling maging kasing lapad ng aparador. Nagpakunsumi sa buhay. Hindi inilalabas ang tunay na damdamin. Ang resulta siyempre, nagmukhang matanda na.

Pero iyang celebration ngayon ni Ate Vi, malayung-malayo roon sa mga dating celebration ng kanyang birthday. Natatandaan namin noong araw, basta birthday ni Ate Vi, umaga pa lang nakatambak na ang mga bus mula sa probinsiya na sinasakyan ng kanyang fans na lumuluwas sa Maynila para batiin lamang siya. Iyong Broadway na iyan, kung ginagawa noon ang TV show niya, buong paligid tadtad ng mga banner ng fans. Puno ng lobo ang mga puno. Talo ang rally ng Piston at Stop and Go sa rami ng tao.

Magugulat ka rin, kasi bawat isa sa kanila may dalang handa para pagsaluhan ng lahat sa birthday ni Ate Vi. Pagdating ni Ate Vi ng mga alas-kuwatro ng hapon para sa kanyang show, ang tindi ng crowd. Hindi naman kasi silang lahat makakapasok sa loob ng studio, kaya doon pa lang sa parking may sound system na sila para marinig nila ang boses ni Ate Vi. Tapos may malalaking TV sa labas. Iyong iba provided ng GMA 7. Iyong iba dala nila, at sa loob mismo ng mga bus sila nanonood ng show. Hihintayin nilang matapos iyon, at kung papauwi na si Ate Vi, haharapin sila ulit. Kakaway lang si Ate Vi at babatiin sila sa sound system, happy na silang lahat na uuwi. Actually kung mayroon nga lang malaking venue, at papayag si Ate Vi, mauulit ang ganoon kalaking gathering ng Vilmanians, sabi ni Jojo Lim ng VSSI (fans club ni Ate Vi). Eh kaso gipit din nga sa schedule si Ate Vi, kaya ang sinasabi nila magkaroon na lamang ng mga local gathering ang fans, at magpa-misa sila bilang pasasalamat na nadugtungan ng isang taon pa ang buhay ng kanilang idolo.

May mga natanggap kaming tawag mula sa iba’t ibang grupo nila, na nag-iimbita sa isang birthday at thanksgiving dinner in honor of Ate Vi, kahit na hindi nila makakasama ang kanilang idolo. On their own hindi nila pinalagpas ang araw na iyon na wala silang celebration. (Maligayang kaarawan po Cong. Vi. – Salve)     

Rain hindi na pinag-interesan ng Pinoy fans

Akala namin, kagabi na nga iyong concert ni Rain sa Pilipinas, pero cancelled pala. Naglabas pa ng statement ang management company ni Rain na hindi raw kasi tumupad sa kasunduan sa kontrata ang Philippine organizers ng concert.

Palagay naman namin talagang hindi sila sigurado. Kasi ni wala silang publisidad eh. Hindi rin naman natin maikakaila na bumaba na ang popularidad ni Rain dahil matagal na siyang walang teleserye, wala ring pelikula. Nakapag-asawa na rin siya. Eh iyang Korean stars, basta nagsipag-asawa na ay karaniwang bumababa ang popularidad. Baka wala rin silang nakuhang sponsors.

Pero sayang, dahil ano man ang sabihin ninyo, magaling na artist si Rain. Kaya lang ang isa pa ngang problema, ni hindi siya nakapagsasalita ng Ingles, at maliban sa dalawang kanta, ang lahat ng mga kanta rin niya ay Koreano. Ang advantage nga lang noong araw, talagang sikat siya at guwapo siya. Pero ngayong medyo tagilid na ang ilusyon ng fans, mahirap na nga sigurong mangyari iyon.       

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with