^

Pang Movies

Jo In-Sung mas piniling makiramay kaysa pumunta sa kasal ng best friend na si Song Joong-Ki

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Affected ako ng hindi pag-attend ni Jo In-Sung sa kasal nina Song Joong-Ki at Song Hye-Kyo sa Sillah Hotel noong October 31.

Wish ko lang, may makapag-explain sa akin dahil hindi ko matanggap na supposedly, best of friends sina Song Joong-Ki at Jo In-Sung pero missing in action ito?

May mga nagsabi na inuna raw ni Jo In-Sung na makiramay sa mga naulila ng sikat na Korean actor na si Kim Joo-Hyuk na namatay na hindi yata valid reason para isnabin niya ang wedding of the year sa Korea.

Kailangan ko talaga na malaman ang reason ng no-show ni Jo In-Sung sa Song-Song wedding, hitsurang ipabili ko ang lahat ng mga diyaryo sa Korea.

Bouquet ni Song Hye-Kyo kaparehas sa ginamit ni Dra. Belo

Confirmed na may taste sa bulaklak si Song Hye-Kyo dahil ang Lily of the Valley ang flower bouquet na hawak niya nang ikasal sila ni Song Joong-Ki.

Sosyal at expensive na bulaklak ang Lily of The Valley na ginamit din ni Dra. Vicki Belo nang ikasal sila ni Hayden Kho, Jr. sa Paris, France noong September 2.   

Type ko na may magpadala sa akin ng Lily of the Valley. Imagine, worth P60,000 ang worth ng bridal bouquet ni Vicki at ayon ito kay Robert Blancaflor, ang in charge sa mga bulaklak sa Belo-Kho nuptial.

Para may idea kayo kung gaano kasosyal ang Lily of the Valley, ito rin ang bridal bouquet ni Kate Middleton nang ikasal sila ni Prince William noong April 2011.

Mahilig ako sa flowers kaya bilib na bilib ako sa mga mhin na may taste sa pagbibigay ng bulaklak sa kanilang mga dyowa.

Ang feeling ko, prinsesang-prinsesa ang pakiramdam ng mga babae na nakakatanggap ng Lily of the Valley flowers mula sa kanilang mga manliligaw at boyfriend.

Vilma namana sa ina ang bonggang PR

May trivia ako tungkol kay Congresswoman Vilma Santos-Recto bilang kahapon ang kaarawan niya.

Nagsisimula pa lang ako na reporter nang makilala ko si Mama Vi at ang kanyang madir na Mama Santos ang tawag namin.

Noon pa man, napakabait na ni Mama Santos sa akin at sa lahat ng mga reporter. I’m sure, namana ni Mama Vi sa nanay niya ang bonggang PR nito.

Ang bait-bait talaga ni Mama Santos at ganoon din si Mama Vi na matulungin sa mga nangangailangan.

Hindi ako magtataka kung nami-miss ng mga Batangueño ang serbisyo ni Mama Vi na matagal na naging gobernador ng Batangas province. Natapos na ang mga termino ni Mama Vi bilang gobernador kaya kumandidato ito na house representative at Winnie Santos siya dahil buong-buo ang tiwala sa kanya ng mga residente ng Lipa.

Hindi nagbabago ang bonggang PR at ang generosity ni Mama Vi. Naloloka sa kanya ang mga reporter dahil kahit hindi pa niya personal na kilala, alam ng Star for All Seasons ang pangalan at hitsura ng mga member ng entertainment press. Araw-araw kasi na nagbabasa si Mama Vi ng mga diyaryo kaya halos alam niya ang lahat ng mga ganap sa showbiz.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with