^

Pang Movies

Ate Vi, Sharon, Gabby, Aga, Boyet atbp., nanggaling kay Direk Maning

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Bagets pa kami nang una naming makilala si direk Maning Borlaza noong 1973, sa isang sikat na hotel kung saan ginanap noon ang isang awards night. Makuwento si direk Maning kahit na bago lang kayong magkakilala. Noong gabing iyon, ang pelikulang kanyang idinirek ang nagpanalo kay Congresswoman Vilma Santos ng kanyang kauna-unahang Best Actress award. Iyong Dama de Noche, kung saan katambal niya ang ka-love team na si Edgar Mortiz.

Si direk Maning Borlaza rin ang director ng isang bahagi ng trilogy, iyong Lipad, Darna, Lipad, na siyang unang pelikula ng Cine Pilipino, at kauna-unahang Darna movie rin ni Ate Vi. Doon sa kanyang episode, ang kalaban ni Ate Vi ay ang bampira, na ginampanan naman ni Gloria Romero. Ang dalawang iba pang director ng Lipad, Darna, Lipad ay sina Joey Gosiengfiao at Elwood Perez.

Baka hindi kayo aware, si Ma­ning ay bahagi rin ng career ni Aga Muhlach. Siya ang sumulat ng istorya, script, at siya pa rin sana ang magdidirek ng unang solo movie ni Aga, iyong Campus Beat. Nasimulan na iyon ni Maning, pero nagipit siya sa schedule dahil ginagawa rin niya noon iyong Bukas Luluhod ang mga Tala ni Sharon Cuneta, at parehong naghahabol ng playdate ang dalawang pelikula, kaya naiwan ni direk Maning ang pelikula ni Aga na tinapos na lang ni Ed Palmos.

May kuwento pa iyan eh, matapos ang kanyang unang dalawang malaking hit, medyo bumaba ang mga pelikula ni Sharon, hanggang sa halos suma­yad iyon nang ang kanyang pelikula ay masabayan ng isang bold film na ang bida ay si Claudia Zobel. Noon, ipinatawag ni Mina Aragon si direk Ma­ning para gawin ang pelikulang Dapat Ka Bang Mahalin. Dapat sana si Boyet de Leon ang leading man noon, pero may problema. Kinuha nila ulit si Gabby Concepcion. Split na noon sina Sharon at Gabby. Si Sharon, syota noon ni Rowell Santiago. Si Gabby syota naman na ni Janice de Belen.

Nagsimula ang shooting ng pelikula sa Baguio. Walang kibuan ang dalawang lead stars. Kanya-kanya silang corner. Tinukso sila nang tinukso ni direk Maning, may kinunan pang isang tender kissing scene, at bigla na lang, nag-reconcile sina Sharon at Gabby. Tawa nang tawa si direk Maning. “Kung magpapakipot pa siya sige lang, gusto ba niyang ako ang ligawan ni Gabby,” pagbibiro pa ni direk.

Sa pelikulang iyon ni direk Maning, iyong Dapat ka Bang Mahalin, nanalo si Sharon ng kanyang kauna-unahang Best Actress award. Iginawa pa siya ni direk Maning ng isa pang follow-up, iyong Bukas Luluhod ang mga Tala, at doon naman natawag si Sharon Cuneta na box-office queen sa unang pagkakataon.

Si Nora Aunor, nakasama rin ni direk Maning, pero script lamang niya iyon, doon sa pelikulang Pogi na ang director ay si Marcelino Navarro, at ang bida ay si Eddie Gutierrez. Support pa lang noon ang role ni Nora. Gawa iyon ng Sampaguita Pictures.

Ang dami naming kuwento tungkol kay direk Maning, kasi iyan ang isang director na basta nakita namin ay hindi namin maaa­ring hindi makakakuwentuhan. At kagaya rin ni Kuya Germs, mahaba ang mga kuwento ni direk Maning. Si Emmanuel Borlaza ay isang henyo sa pelikula. Hindi lamang siya nananalo ng awards, higit sa lahat alam niya kung anong pelikula ang gustong panoorin ng mga Pilipino.

Marami siyang naiangat na stars para maging box-office stars, at para maging mga totoong artista. Noong huli kaming mag-usap, kinukumbinsi pa namin siyang gumawa ulit ng pelikula, at ang sabi lang niya ay “hindi ko na kaya. Baka hindi ko pa matapos”. Sayang, pero nangyari na nga ang sinasabi niya, wala na si direk Maning.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with