Matagal nang napapansin, Ate Vi nagustuhan ang drama ni Jessy kay Luis!
Maayos na maayos na ang kalagayan ni Congressman Vilma Santos-Recto nang pasyalan namin sa Kongreso kahapon. In-award sa kanya ang trophy bilang Editor’s Choice Best Female Star of the Year ng PEP List para sa movie niyang Everything About Her.
Second award na ito Cong. Vilma mula sa PEP List. Komo pinagpaliban na ang pagkakaroon ng ceremonies, personal hinatid ni Joan Maglipon, PEP Executive Editor, kasama ang editors na sina Erwin Santiago, Rommel Llanes at Arniel Serato ang kanyang trophy.
Eh dahil maaga pa para pumunta sa session, nagkaroon ng konting chikahan with Ate Vi.
“Better, better na. Dalawang doctor na ang nagsabi sa akin. Binigay na tamang gamot. Pero bata pa ako, meron na akong ulcers. May scratches So pag nati-trigger dahil hindi ako kumakain on time,” pahayag ni Cong. Vilma.
Kung kelan siya may sakit, saka pa siya pinagpistahan siya ng bashers sa social media dahil sa umano ay isa siya sa kongresista na bumoto na bigyan ng P1,000 na budget ang Commission on Human Rights. To the rescue ang anak na si Luis Manzano upang ipagtanggol siya.
“It was my son who called me the next day early morning as early as 6 o’clock. ‘Mom, what’s your stand?’ Sabi ko, ‘Stand where?’ Kasi I wasn’t able to work on that day. Kasi sabi niya, ‘Mom ang daming nagtatanong sa social media kung ano ang stand ko sa CHR?’ But my Chief of Staff, Atty. Montealto was there. I wasn’t there sa botohan sa CHR but my Chief of Staff was there. Nagri-report siya sa akin,” paliwanag ng Lipa representative.
“Kalat na nga sa social media, unfortunately, may kumakalat pang fake news. I’m proud daw of my vote! Hindi nga ako bumoto! Ha! Ha! Ha! Wala nga ako roon. Considered akong absent!
“Sabi ko sa anak ko, ‘Sige, anak, through you, ilabas mo ito. Naglabas ako ng statement that I am against it! And telling them that may duty ang mga ‘yan to perform their constitutional mandate,” dagdag ni Cong. Vilma.
Ipinagdiinan niya na wala siyang Twitter account dahil doon lumabas. “Hindi nga ako techy eh,” rason niya.
Pagdating naman sa career, wala pa siyang desisyon movie na gagawin. Waiting pa siya sa script na ibibigay sa kanya sa offer na magsama sila nila ni Judy Ann Santos.
“Kapag nakakapanood nga ako sa TV ng mga drama at nakita ‘yung roles, nandoon ang inggit ko. ‘Teka, kaya ko ring gawing ito, huh!’ Ganoon ko ka-miss ang showbiz.
Pero kahit abala sa pagiging politician, may oras pa rin siya kay Sen. Ralph Recto, at mga anak na sina Luis at Ryan. Every other Sunday, she sees to it na nagsasama-sama sa isang dinner.
“With Lucky, minsan kasama niya si Jessy (Mendiola). O kung sinuman ang girlfriend niya! Ha! Ha! Ha! Off the record ‘yan! Hindi naman ako ang makikisasama. The mere fact na dinadala ng anak ko, that’s respect to meet my family,” chika ni Ate Vi.
Diin pa niya, one woman man si Luis. Gustung-gusto raw niya si Jessy, huh!
“She’s very nice. Kung magugustuhan ng anak ko, why not. One thing I’ve noticed with Jessy lang…Kasi puro artista nagiging girlfriend ng anak ko eh.
“But one thing I’ve noticed with Jessy, hindi ko siya kinakikitaan ng kumpetisyon kay Lucky. I’m not the star. I’m the girlfriend. Pag may dinner kami, hindi siya nakikipag-compete! She’s the girlfriend.
“That’s one word na puwede kong sabihin. Hindi ginagawang competition si Lucky! That’s my opnion!” deklara ni Cong. Vilma.
- Latest