Pumalag sa P1-K sa CHR, ‘Ate Vi’ maraming napeke sa social media!
Peke ang Twitter account na nagpapakilalang si Batangas Representative Vilma Santos.
Mismong si Luis Manzano na ang nagkumpirma tungkol sa nasabing account ng kanyang ina sa social media. “My mom has clarified that she is not using this account (@vilmaSRecto) nor anyone from her team,” sabi ni Luis na hahataw naman bilang host ng pinakabagong mystery music game show sa telebisyon na I Can See Your Voice, simula ngayong Sabado (Sept. 16) sa ABS-CBN.
Bukod sa pagkaklaro sa social media account ng ina, ibinahagi rin ni Luis sa kanyang followers ang stand ni Rep. Vi sa ibinigay na budget sa Commission on Human Rights (CHR) kung saan hindi nakaboto ang kanyang ina sa kongreso dahil inatake raw ito ng ulcer nung araw na magbotohan.”
“First, my mom is against the 1k budget of the CHR. Second, she wasn’t able to vote since she was about to be confined and was/is under meds,” sabi ni Luis.
Pero inilathala naman ni Luis ang stand ng ina sa nasabing mainit na pinag-uusapang isyu.
“I am against cutting the budget of the CHR. The Commission has a duty to perform its Constitutional mandate.
“With so many crimes/EJK – it needs more resources for these investigations. Ito ang ahensya na tumutulong sa karapatang pang tao!!
“I wasn’t able to attend yesterdays session ‘cause i had an ulcers attack. But will work todayyy!!! Thanks anak!”
Isa rin si Ate Vi sa mga kontra sa pagbabalik ng death penalty.
In all fairness sa actress, matapang din siya at vocal sa kanyang pinaglalaban.
- Latest