^

Pang Movies

Vilma at Nora magbabakasyon ng sabay

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Willing pareho sina Vilma Santos at Nora Aunor na magsama ulit sa isang pelikula basta’t maganda raw ang materyal.

Una at huli silang nagkasama sa T-bird at Ako noong 1982 and since then ay napakarami nang umaasam na magkasama ulit sila.

Kung si Ate Vi ang tatanungin, gustung-gusto niya ring magka­trabaho sila ulit ng kumare niyang si Nora.

“Sana. Mabigyan lang kami ng magandang script kasi sa klase ng tayo namin ngayon, we’re not getting any younger, kailangan namin ng isang magandang script nang sa ganu’n, makaasa kaming papanoorin ng mga tao,” sey ni Ate Vi nang huling makausap ng press sa Star Awards for Movies.

Halos ganito rin naman ang sagot ni Ate Guy.

“Siguro naman kung mayroong magandang proyekto na parang T-bird at Ako na naaayon at tumutugma sa aming dalawa ay bakit hindi? Para sa akin, walang problema,” pahayag ng Superstar.

Sa nakarinig sa pag-uusap ng magkumare nang gabing iyon, niyayaya raw ni Ate Vi si Ate Guy na magbakasyon at nang makapag-bonding naman silang dalawa.

So, bakasyon na lang muna ang pagsasamahan ng dalawa at hindi muna pelikula na sana ay matuloy knowing kung gaano talaga kahirap pagtagpuin ang schedules nila.

Daniel Fernando nagsalita sa panlalamon kina Jake at Gerald

Natawa na lang si Bulacan Vice Governor Daniel Fernando nang tanungin siya ng entertainment press kung gaano katotoo na nilalamon niya sina Jake Cuenca at Gerald Anderson sa mga eksena nila sa seryeng Ikaw Lang ang Iibigin.

“Ah, hindi ko sadya ‘yun,” sey ni Vice Gov. Daniel. “Pinagbubuti ko lang ‘yung trabaho ko at umaangat din naman sila, magagaling din sila. Sabi ko, wala akong masabi sa mga ito, very professional. Mga baguhang professional, mga baguhang marunong rumespeto sa senior actors.”

Ginagampanan ni Daniel ang role na Rigor Villoria na siyang tunay na ama ni Carlos played by Jake Cuenca. At natutuwa naman ang aktor na napakaganda ng feedback sa kanyang pagganap lalo pa nga’t comeback drama series niya ito in five years. Ang huli pa raw niyang serye before ILAI ay ang Muling Buksan ang Puso noong 2012.

Nakausap namin si Daniel sa mass graduation ng kanyang livelihood project sa Bulacan na “Pangkabuhayan Mo, Sagot Ko, Paunlarin Mo” na proyekto ng Damayang Filipino Movement, Inc. (DFMI).

Ang DFMI ay isang non-government organization (NGO) na binuo ni Daniel noong 2008 at libo-libo nang Bulakenyo ang natulungan nito  na ang layunin ay abutin ang mga higit na ngangangailangan at tulungan silang makaahon sa kahirapan o malunasan ang kanilang mga karamdaman.

Carmi gulat sa lakas ng MayWard at KissMarc

Maging si Carmi Martin ay nagulat sa rami ng fans and supporters ng Mayward loveteam nina Maymay Entrata at Edward Barber and KissMarc loveteam nina Kisses Delavin at Marco Gallo.

Kasama si Carmi sa launching movie ng Mayward at KissMarc na Loving in Tandem at nagulat siya na ang dami raw nag-share ng trailer nila kahit baguhan ang mga kasama niya.

“Marami rin naman akong nagawang movies sa Star Ci­nema, marami rin akong masasabing nakasama ako du’n sa mga talagang nag-hit. Pero ito, na-notice ko, ang dami talagang nag-share nung trailer, sa social media, and at the same time, talagang countless comments. So very promising ang pelikula,” say ni Carmi.

Loving in Tandem is showing on Sept. 13 mula sa direksyon ng baguhan ding direktor na si Giselle Andres.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with