^

Pang Movies

Nora at Vilma dikit ang labanan sa National Artist

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sino may sabing tapos na ang tapatan ng dalawang screen giants na sina Superstar Nora Aunor at Star For All Season Cong. Vilma Santos?

Sa pagkakataong ito, hindi pelikula ang paglalabanan ng dalawa kundi karangalang mahirang na National Artist sa taong ito.

Kung pagbabasehan ang paramihan ng award ay halos pantay sina Guy at Ate Vi. Maaaring sa antas ng buhay nakakalamang si Ate Vi. Mapera rin naman si Guy noong araw kaya lang, hindi niya minahal ang pera dahil ipinamimigay niya ito sa mga kaibigan.

Naalala naming ang kwento noon kung saan nagpa-gas si Guy sa gasolinahan. May nakita siyang mga batang kalye at sa awa ay binigyan niya ito ng cash.

Kung pwede lang ay parehong manalo sina Ate Vi at Guy.

Mga estudyanteng nanood naambunan ng tulong ni Willie

Pinupuri ng mga netizens si Willie Revillame noong mamigay siya ng pera sa mga estudyanteng nanood sa programa niyang Wowowin at binigyan pa ng chance na sumali ang mga iyon sa isa niyang pakontes. Ayon kay Willie ay kahit paano ay makakatulong sa mga gastusin nila, kahit pamasahe lang ang kanyang ibinigay.

Hindi nakakapagtaka na kaya sunud-sunod ang biyayang dumarating sa naturang TV host ay dahil sa kanyang pagiging mapagbigay.

Pista sa Baliuag hindi maluho

Ngayong August 28 sipagdiriwang ang kapistahan ng Baliuag, Bulacan patron saint St. Augustine sa pamumuno ng Hermano Mayor na si Allan Jorge Tengco na tatlong taon nang nakaupo bilang pangulo ng pistang ipagdiriwang.

Lalahukan ng tatlungpong mga poon ang kapistahan.

Simple lang ang gaganaping event at hindi maluho. Sa halip ay ibibigay na lang sa mga mahihirap at magpapadala ng tulong sa mga kapatid natin sa Marawi ang mga sobrang biyaya.

Si Monsignor Andy Valera ang makakatuwang sa pagdiriwang ni Hermano Mayor Allan.

Happy birthday….

Maligayang kaarawan sa August born stars and personalities na sina Wendell Ramos, Jomari Yllana, Dj Durano, Baeby Baste, Roldan Casto, Benny Andaya, Mother Lily, the late Fer­nando Poe, Jr., Atty. Persida Acosta, at Ms. Amalia Fuentes.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with