Coco tinuturuan ng ‘tama’ si Jake
Feel na feel na ni Coco Martin ang pagiging direktor sa kanilang shooting ng pelikulang Ang Panday na official entry para sa 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Seryoso si Coco sa post ni Jake Cuenca sa kanyang Instagram account at marami ang naaliw habang nagbibigay ng instruction ang una sa eksena nila bilang mortal na kontrabida niya. Gumaganap si Coco as Flavio samantalang si Jake naman ay ang kalabang si Lizardo.
Talagang gustong sundan ni Coco ang yapak si Da King Fernando Poe, Jr. na siyang original na bida, director, at producer din ng Panday.
Walang pormal na degree si Coco pagdating sa directing, pero parang aral na aral ang aktor sa kanyang mentor na si Brillante Mendoza na nagbigay sa kanyang ng break sa indie films.
May basbas din si Coco ng creator ng Ang Panday na si Direk Carlo J. Caparas na involved din sa production ng nasabing pelikula. Hanga si Direk Carlo sa mga ideya ni Coco para lalong mapaganda ang Panday.
- Latest