^

Pang Movies

Luis pinasalamatan si Jessy!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Unang father and son pair sina Edu Manzano at Luis Manzano na hinirang sa event na Men Who Matter 2017 ng People Asia last Tuesday night sa Resorts Hotel.

Ibinalandra ni Luis ang award sa kanyang Instagram account kahapon.

“Thank you very much @peopleasia for considering me as one of your men who matter for 2017. Just being on the same stage with other successful gentlemen was an achievement on its own. What an honor too that @realedumanzano was a past winner so we are the first father-and-son pair to receive this award,” bahagi ng caption ni Luis.

Pinasalamatan din ng host-actor ang kanyang glam team at ang girlfriend na ka-date nu’ng tanggapin ang award na para kay Luis, “…and to my beautiful that, the woman who matters the most @senorita_jessy, thank you wow.”

Anyway sa nakaraang posts ni Luis, kanyang ibinida ang mga komento ng followers niyang nabibigyan ng kasiyahan sa kalokohang videos na naka-post sa IG niya. Gaya ng isang inang namatayan ng anak bago pa man ito lumabas. Ang 11 years old na anak ang nagkumbinse sa ina na panoorin ng videos na posted ni Luis upang tumawa silang muli. ‘Yung isa namang merong mental health illness, pinapanood lang niya ang videos na posted ni Luis, isa sa remedy niya ang panonood para mawala ang kanyang panic attack.

“God bless you all with strength and healing!” tugon naman ni Luis sa komento ng followers niyang naaaliw sa videos niya sa IG.

Korean actor na partner sanay na sa ‘Pinas!

Si Alexander “Xander” Lee ang Korean actor na kapareha ni Heart Evangelista sa series niyang My Korean Jagiya nang ibunyag ito sa 24 Oras nu’ng Martes nang gabi.

Sa interview ni Iya Villania, na kasama rin sa cast, kay Xander para sa Chika Minute, “I was very nervous because I didn’t know about how Filipino drama it’s going to be. And I know that Heart (Evangelista) is going to be in it so I was really nervous and excited actually. I never thought I could (go) back (to) drama,” saad ni Alexander.

Hindi na bago sa bansa ang Korean actor dahil nakapag-perform na siya rito noong member pa siya ng Korean boyband na U-Kiss. Sa pagpasok sa local series, saludo siya kina Heart at Iya na todo ang alalay at suporta sa kanya.

Ayon sa SK actor sa co-stars at production team ng MKJ, “Perfect! Filipinos are very welcoming, warm-hearted.”

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with