Batuhan ng mag-amang Luis at Edu kinaaliwan!
Forever student ang feeling ni Luis Manzano sa amang si Edu Manzano. Silang dalawa kasi ang naging hosts ng The Eddys The Entertainment Editors’ Award ng SPEED (Society of Philippine Entertainment Editors) na ipinamahagi last Sunday sa Kia Theater na pinamahalaan ng Viva Live.
Ang galing kasi ng batuhan ng mag-ama sa stage kaya naman aliw na aliw sa kanila ang audience. Pag commercial break, umarya ang kalokohan ni Luis na pakanta-kanta pa at sinasagot ang mga sigaw sa kanya ng audience.
Pero never nag-agawan ng eksena ang mag-ama. Kumbaga, bigayan sila kaya malinaw na nai-deliver nila ang bawat spiels. Eh kahit kapwa sila hosts, nandoon pa rin ang respeto ni Luis kay Edu hanggang sa pagtatapos ng ceremonies.
Rhian, Christian at Nora nag-effort sa Eddys!
Hindi nakarating ang acting winners sa The Eddys. Nasa Amerika pa si Congresswoman Vilma Santos-Recto na nanalo ng Best Actress. Wala namang ibinigay na rason si Paolo Ballesteros sa kanyang Instagram (IG) account kaya hindi niya personal na natanggap ang Best Actor trophy niya. Ganun pa man, nagpahayag siya ng pasasalamat sa SPEED sa kanyang IG.
May inaayos naman daw na family matters si Angel Locsin kaya hindi natanggap ang Best Supporting Actress trophy niya. Maging ang Best Director ay hindi nakadalo pero may mensaheng binasa ang kumatawan sa kanya.
As of this writing, wala pang katwiran si John Lloyd Cruz kaya hindi natanggap ang Best Supporting Actor award.
Sa bigayan kasi ng awards ngayon, kapag iniimbita ang ilan sa nominado lalo na sa acting derby, ang kasunod na tanong ng namamahala sa career ng artista, “Mananalo ba siya?”
Kaya kadalasan, bihirang dumadalo ang ilan sa nominees. Pero sa The Eddys, dumalo sina Nora Aunor at Rhian Ramos na nominees sa Best Actress. Gayundin si Christian Bables na sa Best Supporting Actor ang nominasyon. Ganun din si Isabel Lopez na nominadong best supporting actress. Kahit hindi nanalo, tinapos nila ang ceremonies, huh!
Walang nakaaalam sa SPEED members kung sino ang winners kaya napatunayan nilang walang leakage ang naging resulta ng mga nanalo. Tanging ang auditing firm na nag-tally ng boto ang may alam ng winners.
At hindi man choice ng mga intrigero ang mga nanalo, wala tayong pakialam dahil choice ‘yon ng SPEED na may karunungan din kung sino ang nararapat tanghaling winner, huh!
Mother Lily consistent sa pagmamahal ng showbiz press
Ipinadama muli ni Mother Lily Monteverde ang pagmamahal sa entertainment press dahil siya ang binigyan niya ng importansiya sa speech na binasa niya bilang Producer of the Year ng The Eddys.
“I am beyond grateful to you, my dear entertainment editors. I give back the honor to you for consistently supporting not just Regal Films but Philippine cinema as well.
“I promise that as long as Mother Lily and her children are around, Regal will continue its tradition of quality entertainment, innovative concept and sharing joy and happiness to the Filipino audience…” bahagi ng speech ni Mother Lily.
Hindi itinatanggi ng Regal matriarch na malaki ang naging tulong ng entertainment press at editors para umabot sa mahigit na anim na dekada ang sinimulang, “crazy dream of mine.”
Congratulations, SPEED!
- Latest