Robin hinihintay tularan si Angel
Kesa paliwanag sa gastos sa Russia
Inilagay ko na sa Instagram account ko na @akosilolitsolis ang opinyon ko tungkol sa pagpunta ni Robin Padilla sa Russia pero may-I-share ko rin ito sa dear readers ng PM.
In good faith ang reaksyon ko as in wala sa intensyon ko na i-criticize si Robin ‘ha?
Natawa kasi ako dahil nag-explain si Robin sa issue ng Russia kung siya ang nagbayad ng ticket at hotel niya. Ok fine, walang problema.
Mas gusto ko pa na i-explain niya na nakapunta siya Russia pero di niya nagawa ang ginawa ni Angel Locsin na tumulong sa mga evacuees, nagpunta sa Mindanao kahit na napaka-delikado, to think na Muslim convert siya at action star.
Sa totoo lang, siya ang inakala ng lahat na unang pupunta duon para tumulong at kausapin ang mga Muslim na kapatid natin at magtanong kung paano makakatulong pero sa Russia siya pumunta.
Well, hindi pa huli. Marami pa ang dapat gawin at kung ako si Robin, ‘yon ang asikasuhin ko, hindi ‘yung paliwanag tungkol sa biyahe niya sa Russia.
Ipakita ni Robin na isa siyang tunay na action star. We salute Angel Locsin, ang tapang, lalaking-lalaki ang dating kaya sexy siya sa paningin ng lahat.
Again, hindi ako nang-iintriga ‘ha? Ibinabahagi ko lang ang opinyon ko tungkol sa isyu. Malay natin, baka ang pagpunta sa Mindanao ang unang gawin ni Robin kapag bumalik na siya mula sa kanyang biyahe sa Europe. Sure naman na mababalitaan natin dahil sa media na nakabantay sa Mindanao kaya nalaman ng publiko ang pagbisita doon ni Angel.
Actor nae-enjoy ang free wifi sa Edsa
May isang aktor na tagahanga ni President Rodrigo Duterte ang tuwang-tuwa dahil true at hindi raw pralala ang free wifi sa EDSA.
Happy ang aktor dahil mabilis daw ang libreng wifi na malaking tulong sa mga commuter na biktima ng forever traffic sa EDSA. Nalilibang daw sila sa pagsa-surf sa Internet habang nasa gitna ng overacting na traffic.
Pero dapat linawin na ang mga pasahero lang ang ini-encourage na mag-avail ng free wifi sa EDSA, hindi ang mga driver na pinagbabawalan na gumamit ng mga cell phone at tablets habang nagmamaneho or else, may katapat na parusa ang paglabag nila sa batas.
Douglas Quijano walong taon nang namamayapa
Ginunita kahapon ng mga nagmamahal kay Douglas Quijano ang ika-walong anibersaryo ng pagpanaw niya.
June 13, 2009 nang matagpuan ang walang buhay na bangkay ni Douglas sa rest house niya sa Lucban, Quezon.
Ipinagluksa noon ng buong showbiz ang sudden demise ng BFF ko.
Totoong-totoo ang paniniwala na nag-iisa lamang si Douglas kaya wala nang puwedeng pumalit sa kanya.
Halos magkasunod na sumakabilang-buhay si Douglas at ang King of Pop na si Michael Jackson na namatay naman noong June 25, 2009 dahil sa drug overdose.
Show ni Kris naudlot ang airing
Hindi pa matutuloy sa June 19 ang airing ng Impostora dahil extended ang Legally Blind, ang drama series ni Janine Gutierrez.
Para sa fans ni Kris Bernal na nagtatanong, sa July 3 ang final airing ng Impostora at wala na itong urungan pa.
Ang balita ko, extended din ang D’ Originals, ang another afternoon teleserye ng Kapuso Network. Hindi ko pa knows ang show na ipapalit sa D’ Originals kapag nag-babu ito sa TV.
- Latest