^

Metro

Terminal ng bus sa QC, ipasasara ng MMDA

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Dahil sa ilang paglabag sa batas-trapiko, planong ipasara ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang isang terminal ng pampasaherong bus sa Quezon City.

Base sa official facebook ni MMDA officer-in-charge Tim Orbos, sa susunod na linggo, aabisuhan nila ang tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)  at mga opisyal ng barangay na mag-isyu ito ng notice laban sa Dimple Star’s Terminal sa Southbound sa hangganan ng Tuazon Avenue at Santolan Avenue sa Quezon City.

Ayon sa MMDA, kabilang sa paglabag sa batas-trapiko ng nasabing terminal ay wala itong lugar para sakayan at babaan  ng mga pasahero, walang nose-in at nose-out at wala ring  permit sa barangay.

Nabatid na kabilang sa kampanya at programa ng MMDA ay ang pagbuwag sa mga terminal na lumalabag sa batas-trapiko.

Dahil maituturing na isa rin ito sa nagiging sanhi nang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Kalakhang Maynila.

MMDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with