Digong muling nagbabala ng martial law sa Mindanao
MANILA, Philippines - Nagbabala muli si Pangulong Duterte na kapag nagdesisyon siyang magdeklara ng Martial Law sa Mindanao ay siguradong tatapusin niya ang problema ng terorismo.
Sinabi ito ng Pangulo sa kanyang mensahe sa opening ng Palarong Pambansa kahapon sa lalawigan ng Antique na nilahukan ng mga batang atleta mula sa buong bansa.
“Do not force me. Kasi kapag nag martial law ako sa Mindanao, tatapusin ko ang problema. Kayong mga terorista sa Mindanao, do not force me to do it because it will be a sad day for all of us,” diin ng Pangulo sa kanyang mensahe kahapon.
Aniya, kung animal ang pag-uugali ng mga terorista ay sinisiguro niyang 50 times more siya.
“I can be 50 times more of an animal than you. Bigyan mo ako suka, asin kainin ko atay niyan,” dagdag pa ng Pangulo.
Bukod sa pagdurog sa terorismo, nangako din si Pangulo na tutuldukan niya ang problema sa droga, kriminalidad at corruption sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Nangako din ang Pangulo na ibabalik niya uli ang mandatory ROTC program habang iginiit din niya ang pangangailangan na dapat may gawin na ang gobyerno sa family planning.
Para naman sa mga delegadong atleta ng Region 11 ay nangako si Duterte ng P50,000 sa mga mananalo.
- Latest