^

Pang Movies

Bianca every Sunday ka-bonding ang pamilya ni Miguel

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Thirteen years old pa lamang si Miguel Tanfelix at eleven years old si Bianca Umali nang una silang magkasama sa Paroa, Ang Kuwento ni Mariposa na pinagbidahan ni Barbie Forteza at since then, lagi nang magkasama sa mga project nila ang dalawang tween stars. 

Nasundan ito ng Basang Sisiw, at mga project na sila na ang bida, pinakahuli ang Wish I May at ngayon sa first-ever interactive rom-com series na Usapang Real Love (URL).

Itatampok dito sina Miguel at Bianca sa isang mini-series na mapapanood every Sunday, 5:00 p.m. sa GMA 7.  Dream Date ang title ng first episode na magtatampok din kay Jak Roberto at ididirek ni Real Florido.

Iniimbitahan ng URL ang mga netizen na aba­ngan ang video challenge na ipo-post sa kanilang Facebook page na Usapang Real Love at pwede silang magpadala ng kanilang video sa Twitter o Instagram at i-tag ang @UsapangRealLove at lagyan ng hashtag na #MapaFANSin. Ang mapipiling video entry ay isasama sa episode at mapapanood sa TV.

Inamin nina Miguel at Bianca na may pressure at very challenging na sila ang napiling unang itampok na love team, pero masaya raw sila dahil tiyak magugustuhan ng fans ang story nilang dream date na naging “datesaster” daw.

Sa almost five years na ngang magkasama sina Miguel at Bianca, naging ganoon na sila ka-close sa isa’t isa at comfortable na magkasama, kaya natanong ang dalawa, paano kung paghiwalayin sila bilang magka-love team?

“Ayaw naming isipin,” sagot ni Bianca.  “Nakakalungkot po naman, kasi ang taas na ng friendship namin, para na pong condominium, tapos biglang ibababa.

“Hindi po namin iniisip,” sagot naman ni Miguel.  “Kasi ever since po kami na ang magkasama, walang lakad ang family namin na hindi kami magkasama. We make it a point na every Sunday, kung may lakad ang family, kasama namin si Bianca. Like po nga­yon, since birthday ko naman (18) may family dinner po kami at kung walang ibang lakad si Bianca, iimbitahin ko siya.”

Natawa si Miguel nang tanungin kung kailan niya balak ligawan si Bianca?

“Siguro po kapag 18 na siya at ako naman, 20 or 21 na, para po mas mature na kaming dalawa.  Basta we care for each other lamang kami ngayon.”

Paano kung may ibang manligaw kay Bianca?

“Siyempre po manghihinayang ako, pero may tiwala po ako kay Bianca na hindi siya magpapaligaw sa iba dahil bata pa siya.  Nakakatawa nga ang fans namin ni Bianca dahil kapag may nali-link sa kanya, bina-bash nila dahil nagseselos sila para sa akin.”

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with