^

Pang Movies

Ate Vi kakabisaduhin muna ang trabaho sa kongreso at saka gagawa ng pelikula

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

May natanggap na naman kaming tanong sa aming e-mail. Sabi niya, mukhang hindi na raw napag-uusapan kung gagawa nga ba ulit ng pelikula si Vilma Santos. Kung sakali naman ay kailan?

Palagay naman namin ay gagawa pa ng pelikula si Ate Vi. Hindi pa naman siya nag­dedeklara na magre-retire na siya sa showbiz. Palagay namin hindi naman niya dapat gawin iyon sa ngayon dahil marami pa naman siyang fans na nag-aabang lang sa muli niyang paggawa ng pelikula. Kung iyon ngang mga laos ay nagpipilit pa eh, si Ate Vi pa ba naman na alam mong may ilalabas pa?

Isa pa, hindi naman si Ate Vi o ang fans lang niya ang may gustong gumawa siya ng pelikula. Ang mga producer na patuloy na kumakausap sa kanya, kahit na sinasabi niyang wala pa siyang panahon para roon sa ngayon, iyan ang mga nagsisikap talagang pagawin siya ng pelikula, kasi alam naman nila na kikita.

Pero sa ngayon, mukha ngang wala pa sa isip ni Ate Vi na gumawa ng pelikula. Wala siyang nababanggit kahit na sa totoo lang ay natatambakan na naman siya ng mga offer, at nakatambak na naman sa kanya ang mga bagong script na iniaalok sa kanya.

Ang katwiran niya, bago siya sa kanyang trabaho bilang isang congresswoman, at marami pa siyang kailangang pag-aralan nang husto sa trabaho niya. Napasok din naman niya ang trabahong iyan sa isang kritikal na panahon, maaari kasing maatasan silang baguhin ang konstitusyon, at iyan ay isang bagay na kailangang pag-aralan niyang talaga.

Pero siguro nga, kung palagay na ang loob ni Ate Vi, kung sa palagay niya ay kabisado na niya ang kanyang trabaho, maisisi­ngit din naman niya ang paggawa ng pelikula.

In fact, sinasabi naman niya na ang trabaho niya ngayon ay hindi kasing demanding ng trabaho niya noong governor pa siya. Ibig sabihin, mas may panahon siya ngayon sa showbiz.

Liza Diño may kakaibang gagawin sa sistema sa paggawa ng pelikulang pang filmfest

Tama ang bagong chairman ng Film Development Council of the Philippines na si Liza Diño sa sinabi niyang ang mga bago nating director, mukhang gumagawa ng pelikula na inaakala nilang magkapagpapakilala sa kanila sa foreign audience. Mukha ngang ang mas priority nila ay makasali sa mga international film festival. Hindi nila naiisip na gumawa ng pelikula para sa local audience.

Siguro ang nasa isip nila, mas mataas ang kalidad ng kanilang ginagawang pelikula at wala silang pakialam kung maabot man iyon ng masa o hindi, pero ang nangyayari hindi naman maipalabas ang kanilang mga pelikula sa mga sinehan dahil nalulugi. Walang nanonood sa kanila.

Eh ano nga ba ang mangyayari sa industriya kung puro sila film festivals, tapos wala namang kinikita ang kanilang mga pelikula?

Bakit iyan bang mga pelikula nilang sinasabi nilang nanalo, naipalabas na ba sa commercial theater circuit sa alin mang bansa, kahit na isa lang?

Dapat talaga ang isipin natin ay kung ano’ng mga pelikula nga ba ang gusto ng masa. Diyan nabuhay ang industriya ng pelikula sa ating bansa. Noong panahong kumikita ang mga pelikula, iyon ang sinasabi nilang “golden age” ng pelikulang Pilipino.

Ngayon, ang mga pelikula natin ay puro bokya, sino ang ating sisisihin? Mga pirata lang ba ang may kasalanan? Iyon bang masa ang sisisihin ninyo? Ekonomiya ba ang dahilan? Eh bakit may mga pelikula namang kumikita nang malaki kung talagang masama ang ekonomiya?

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with