Baguhang aktor na si Rob Moya proud sa tatay na bakla
Hinangaan ang baguhang Kapuso actor na si Rob Moya ng mga netizens dahil sa pagiging proud niya sa kanyang ama na si Jovit Moya.
Si Jovit Moya ay naging artista noong ‘80s sa pamamagitan ng That’s Entertainment ni German “Kuya Germs” Moreno at naging contract star pa ng Seiko Films.
Napanood ng marami si Jovit sa TV show na OUT in 2004 sa pag-amin na siya ay isang gay.
Hindi naging issue ito para kay Rob dahil naging responsableng ama ito sa kanya at wala siyang dahilan para ikahiya niya ito.
“My dad never had a chance na i-open up sa amin ang tungkol diyan because I was only 12 when he left for the States to work.
“Sampung taon kaming hindi nagkita. Noong makabalik siya, I was already 22 years old. Doon na niya sinabi ang totoo, pero I said na matagal ko nang alam.
“Many people have told me about it at siyempre noong malaman nila that Jovit Moya is my dad, they started asking questions about his sexual preference.
“Para naman sa akin, ‘Eh ano naman ngayon kung gay ang dad ko?’
“As far as I know, he’s the best father any kid can ever had.
“Hindi niya ako pinabayaan. Kahit na nasa ibang bansa siya, he was a good provider. Pinag-aral niya ako at ang ibang kapatid ko. Lumaki kaming maayos, magalang at may takot sa Diyos.
“As long as he is the father na nagpakita ng pagmamahal sa amin, I couldn’t care less if he was gay or not. Ang alam ko ay mahal ko ang daddy ko,” pagmamalaki pa ni Rob.
Si Jovit pa raw mismo ang nagdala kay Rob sa GMA 7 para matupad ang pangarap nitong maging artista. Nagawa na raw kasi nitong maging model sa Japan at gumawa ng mga TV commercials.
“I signed up with GMA Artist Center noong November 2015. Now I’m in the teleserye Juan Happy Love Story bilang best friend ni Dennis Trillo. Hindi ko mararating ito if not for my dad. Kaya maraming salamat dad for making my dreams come true,” pagtapos pa ni Rob Moya.
Julie Anne nagmartsa na
Masayang-masaya ang Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose dahil naka-graduate na siya sa wakas sa kanyang kursong Communication Arts sa Angelicum College.
Pinost nga ng Kapuso singer-actress ang kanyang graduation photo sa kanyang social media accounts.
Kaya tamang-tama lang na mag-celebrate siya ng kanyang ika-10th anniversary sa showbiz dahil sumabay pa ang kanyang graduation sa college at ang kanyang birthday.
Sa May 14 at Kia Theater magaganap ang kanyang concert na In Control.
“Ibang-iba ito kesa sa Hologram concert ko in 2014. ‘Yung MOA kasi sobrang malaki, parang nakaka-overwhelm.”
Marami nga raw special guests si Julie sa kanyang concert at mare-reveal ang mga ito sa gabi na mismo ng In Control.
- Latest