^

Pang Movies

Kahit ang babata pa Miguel kampanteng hindi siya masasalisihan kay Bianca

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

May mall show si Miguel Tanfelix sa Calasiao, Pangasinan noong Valentine’s Day kaya malungkot daw siya na hindi niya kasama ang favorite leading lady niya sa mga project niya sa GMA 7, si Bianca Umali.  Mabuti na raw lamang last Friday sa ta­ping nila ng Wish I May, naibigay niya ang Va­lentine gift niyang book na Bazaar of Bad Dreams ni Stephen King, kasi nakabalik din siya ng Manila ng 1:00 a.m. na of the February 15, kaya medyo antok pa siya nang makausap namin sa taping nila ng afternoon prime.

Biniro namin si Miguel kung nanliligaw na siya sa kanyang paboritong leading lady

 “Hindi po, talagang very close lamang kami dahil simula nang pagtambalin kami sa Mga Basang Sisiw, nagkasunud-sunod na ang projects namin,” sagot ni Miguel.  “Focus lamang po kami sa work lalo pa at mga bata pa naman kami.  She will only turn 16 on March 2 at ako naman will turn 18 on September 21.  Saka pareho po kaming nag-aaral.”

Paano kung may ibang manligaw kay Bianca at maunahan siya?  Natawa kami sa sagot ni Miguel na parang sure na sure siya na alam daw niyang hindi iyon papayagan ni Bianca na mangyari.

 “Mahirap din po kasi kung magkaroon kami ng relasyon tapos mag­ka­sama kaming magtrabaho.  Tiyak pong maapektuhan ang trabaho namin kung may misunderstanding kami, kaya tama na po lamang na ganito, we’re very comfortable naman working with each other.”

Kahit hindi nanalo sa Starstruck Kids noong almost six years old pa lamang si Miguel, nakitaan na siya ng husay sa pagganap kaya naman siya lamang sa mga kasabayan niya ang unang nakilala at nabigyan agad ng lead role, bakit kaya siya lang?

 “Siguro po dahil naghintay ako, trust in God at sa GMA Network, hindi po nila ako pinabayaan.  Sa ngayon po naka-contract ako for five years sa GMA.”

Nasa fourth week pa lamang sila ng Wish I May na napapanood at marami pa raw magaganap sa character niya as Christian o Tan Tan at ni Bianca as Carina.  

Alden at Maine, pinayagan nang magsama

Magdiriwang na naman ang AlDub Nation dahil exten­ded ang Valentine’s Day celebration nina Alden Richards at Maine Mendoza.  Ngayon lamang na naman sila mapapanood na magkasama at hindi sa kalye serye ng Eat Bulaga. Mamayang gabi na mapapanood ang guesting nila sa Tonight With Arnold Clavio at 10:00 p.m. sa GMA News TV o sa Channel 11.  First time ito ni Maine na maggi-guest sa show dahil noon, hindi pwedeng magkasama silang mag-guest, kaya biro nga ay ipakikilala na ni Alden sa tinatawag niyang ‘Tay ang kanyang ka-love team o ang kanyang love?

Kinunan ni Arnold ang episode right after nag-attend sina Alden at Maine ng People Asia awards na sila ang napi­ling People’s Choice awardee na ginanap sa Hotel Sofitel. 

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with