^

Pang Movies

Hindi talaga kayang i-give up Jiro mahihirapang makabangon sa bisyo

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Natural lang naman na para pang nanga­nga­pa si Jiro Manio. Matagal din naman siyang nabakasyon, at aminin natin na hindi biru-biro ang pinagdaanan niya. Kailangan nga sigurong masanay muna ulit siya sa buhay-showbiz.

Isa pa, sinasabing maski na ng experts na mas mabuti kung ang mga napagdaanan ng mga taong sumailalim sa ganyang rehab ay hindi na mapag-usapan. Mas mabuting hindi na iyon paulit-ulit na inuungkat sa kanya.

Pero sa kaso nga ni Jiro, parang mahirap mang­yari iyon dahil artista siya. Paulit-ulit siyang tatanungin tungkol sa mga bagay na iyon, kaya nga sinasabing iyong complete rehabilitation process, mas magtatagal pa.

Pero siguro nga in due time, lilipas din naman ang lahat ng iyan.

Ate Vi, tututukan na uli ang akting

Matapos na kumita ang huling pelikula ni Go­ver­nor Vilma Santos, nagtatanong ang fans niya kung dadami na nga kaya ang mga pelikula ni Ate Vi. Sinasabi nila na ang ganyang pelikula ay kailangan na agad ng follow up. Eh si Ate Vi naman, kahit na hit na ang pelikula, ang tagal bago sundan. Ang dami rin kasi niyang ginagawa.

Pero maski na nga si Ate Vi ay nagsasabing baka nga ngayon ay mas may pag-asang makagawa siya ng mas maraming pelikula. Hindi kasi kagaya noong panahon na mayor siya at ngayon na governor siya, mga executive position iyan eh kaya kahit na sabihin mong sa Batangas lang, kailangang siya ang gumawa ng halos lahat ng desisyon. Kailangan lahat dumaan sa kanya. Hindi naman puwedeng ang trabaho niya ay iasa na lang niya sa iba.

Sinasabi nga niya na siguro ang dahilan kung bakit mabilis ang mga proyekto niya sa Batangas ay dahil hands on siya. Siya mismo ang kumikilos kaya wala siyang time na gumawa ng pelikula. Iyon ngang TV show na balak para sa kanya ng ilang taon na, hindi natutuloy.

Ngayon, dahil iiwanan na nga niya ang ganoong position, mas magiging maluwag ang kanyang schedule, mas magiging madalas siya sa Metro Manila, at uuwi lamang ng Batangas para makipag-meeting sa kanyang constituents kung sakali at hindi naman ganoon kadalas iyon. Feedback system na lang ang kailangan niya. Hindi kagaya ngayon na may isang buong araw na kausap niya ang lahat ng mga barangay at kailangan niyang gawin iyan weekly, bukod pa nga roon sa ibang trabaho niya sa kapitolyo.

Hopefully, mas magkaroon nga siya ng panahon sa kanyang acting career. Iyon naman ang laging hinihintay ng kanyang fans na naka­suporta sa kanya.

Sa rami ng scandal Restrictions ng mga website sa Internet, kailangan na

Grabe na ngayon ang mga scandal. Hindi na kailangang hanapin eh, lumalabas na sa social media. Noong araw, basta may scandal na ganyan, hahanapin mo pa. Bibili ka pa ng katakut-takot na tapes o DVD para makita mo, karaniwan disappointing dahil sa kalabuan at wala ka nang makita. Pero ngayon ang lilinaw ng mga video scandal at inilalabas sa social media.

Kaya ngayon, ano kaya ang masasabi ng mga tutol sa restrictions na gusto sanang ipatupad sa social media? Payag ba sila na maiskandalo sila ng ganoon na lamang? Payag din ba sila na ang kanilang mga anak ay makakita ng ganoong mga pornographic scandal?

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with