^

Pang Movies

Jason tinawag na tanga-tanga ng isang director!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Nakatsikahan namin si Jason Gainza sa presscon ng Lumayo Ka Nga Sa Akin at naitanong nga rin namin sa kanya kung nakaranas na ba siyang masigawan ng direktor.

“Oo, naranasan ko na rin ‘yun, hindi kay Direk Cathy, sa ibang direktor. Hindi ako makaiyak, hindi ko alam kung saan ang camera. Papagalitan ka talaga.

“Pero pagkatapos naman nu’n, tatapikin ka, kunyari dinner time, “pasensiya ka na, nasigawan kita, ha”, “pasensiya ka na rin direk kasi hindi ko alam kung paaano po iaarte ‘yun”.

“Ayos naman. Nasa tao naman ‘yan, eh kung magiging negative ‘yung pagtanggap mo kapag pinagalitan ka. Eh ako, ginawa ko, tinanggap ko in a positive way. O sige, pagbubutihin ko, gagawin ko nang tama, magtatanung-tanong ako kung paano ang gagawin. Ganu’n,” kwento ni Jason.

Maraming beses na rin daw siyang nasigawan sa harap ng maraming tao pero hindi naman daw niya dinamdam dahil alam niyang may mali siya kaya siya nasigawan.

Ano ang pinakamasakit niyang narinig mula sa direktor?

“Ang tagal-tagal umiyak niyan! Hindi marunong umarte ‘yan, ang tanga-tanga! Ganu’n. Merong ganu’n talaga. Maraming ganung direktor. ‘Yung iba nga, may nababalitaan ka, namamato pa ng silya.”

Nakatrabaho na rin daw niya si Direk Cathy sa pelikulang You Got Me na pinagbidahan nina Toni Gonzaga at Zanjoe Marudo at hindi naman daw siya nasigawan ng nasabing direktor.

“Maganda naman experience ko kay Direk Cathy. Si Direk Cathy, pag nakasama mo, mabait naman siya, eh,” he said.

Say pa ng leading man ni Cristine Reyes sa Lumayo Ka Nga Sa Akin na showing na sa Jan. 13, tibay daw ng loob ang kailangan sa showbiz at kung ayaw mong masigawan bilang artista, ikaw na lang ang mag-direk.

Susan Ople ayaw tantanan ang problema ng mga OFW

Humarap ang bunsong anak ng yumaong Blas Ople (dating Labor Secretary, Senator at Foreign Affairs Secretary) na si Susan “Toots” Ople kahapon sa ilang selected entertainment press at puring-puri ng lahat ang mga ipinakikita niyang pagmamalasakit sa mga OFW.

Nagpasalamat pa nga ang isang entertainment editor sa kanya dahil natulungan daw nito ang kanyang friend.

“Gumagaan ang kalooban ko tuwing may natutulungan ako na OFW. Parang nakapagtanim ako ng bulaklak sa hardin ng alaala ng tatay ko,” say ni Toots na ngayon ay papasok na sa bagong chapter ng kanyang buhay dahil kumakandidato siyang Senador ngayong 2016 elections sa ilalim ng Nacionalista Party.

Si Susan ang naging boses ng mga OFW’s.

Dahil nga may kinalaman sa labor problems din ang kanyang mga tinutulungang kaso, natanong si Toots kung ano ang masasabi niya sa kaso ng dalawang talents na nagrereklamo dahil umano sa paninigaw at pagmumura sa kanila ni Direk Cathy Garcia-Molina. “Well, ‘yung sa akin lang, ano, ‘yung safety and health issues, kahit anong workplace ‘yan, that remain paramount. ‘Yung emotional health, ‘yung mental health ng mga workers, even if you consider them as, in showbiz parlance, mga extras, ‘yang mga ‘yan ay entitled din naman to dignity and well-being. 

“Feeling ko lang, siguro, you look at it from a panoranic viewpoint, hindi lang o itong direktor na ito nagmumura raw, kasi parang isang brush, buong industry, naano, pero alam naman natin na may mga tense moment din sa mga movie set.

“Sa tingin ko, you approach it – sa mga industry leaders natin – you just approach it sa point of view on how to improve the workplace. Ganun lang. No judgment, nothing, but just look at the general principle na paano ba ma-improve ‘yung workplace, paano ba para ma-minimize ‘yung mga ganyang reklamo,” say pa ng Senatoriable na binigyan ng pagkilala ni US Department of State Secretary John Kerry bilang isang Hero Against Modern Day Slavery noong 2013 dahil sa pagtulong sa mga OFW lalo na sa pagligtas ng mga naging biktima ng human trafficking at iba pang klase ng pag-aalipusta sa mga Pilipino sa ibang bansa.

ACIRC

ALIGN

ANG

DIREK CATHY

HINDI

LEFT

LUMAYO KA NGA SA AKIN

MGA

NAMAN

QUOT

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with