Akting ni Xian masusubukan kung papasa kay Ate Vi
MANILA, Philippines - Ang movie pala with Governor Vilma Santos-Recto ang naging kapalit ng pagkakawala ni Xian Lim sa Kapamilya teleserye na Bridges of Love kung saan naging talk of the town ang biglaang pagkawala niya.
Nagkaroon na ng story conference ang movie last Thursday at present nga si Xian pati na ang mga main lead actress ng pelikula na sina Ate Vi at Angel Locsin. Si Bb. Joyce Bernal ang director pero si Direk Olive Lamasan ang over all supervisor ng pelikula.
Ayon kay Ate Vi, ibang-iba ang role niya sa movie kumpara sa nagawa na niyang In My Life, The Healing, at Ekstra. Mayaman kasi ang role niya kaya inaayos pa ang mga isusuot na damit upang mag-swak sa role niya.
Wala pa rin daw working title ang movie at nasa cast din sina Julia Barretto at Nonie Buencamino.
Buti na lang, light drama lang ang movie kaya hindi masasabak sa mga dramatic, confrontation scenes si Xian, huh!
Ruffa mas sumigla nang magka-lovelife
Mother role muna si Ruffa Gutierrez kina Lorin at Venice dahil sa event ng mga anak ngayong araw na ito para sa Love 2 Collection. Ito ‘yung gumagawa ng designs ang mga bata para sa mga damit.
Unang isinagawa ang Love Collection ng dalawang bagets nu’ng 2012 sa tulong ng famous designer na si Rajo Laurel. Sold out ang mga design na ginawa nila noong una at umaasa ang magkapatid na ganoon din ang mangyayari ngayon sa dinisensyo nila na akmang-akma ngayong summer.
Eh, bukod kasi sa event ng anak, nagsimula na ang taping ni Ruffa para sa third season ng It Takes Gutz to be a Gutierrez. Isa sa atraksyon ng show si Rufing especially ngayon na may boyfriend na siya at hindi pa rin ito matanggap ng ina na si Annabelle Rama, huh!
After ng launching mamaya ng Love 2 Collection nina Lorin at Venice, sa Marso 23 naman ay available na ito sa publiko sa House of Laurel sa Bgy. Poblacion, Makati City at sa RAJO Boutique sa Rockwell Power Plant Mall.
Sen. Jinggoy mas gustong pag-aralin si Julian
Sinaksihan ni Senator Jinggoy Estrada ang graduation ng anak na si Julian Estrada ng high school sa OB Montessori. Hindi gaya ng mga nakaraan niyang mosyon sa Sandiganbayan, hindi na nagdalawang-isip ang mga mahistrado sa pagpayag ng senador na dumalo sa isang importanteng okasyon hindi lang sa buhay ng anak kundi sa kanya bilang ama.
“I feel blessed because he was able to come here. I feel happy,” nakangiting lahad ni Julian sa nangyari.
Ayon naman kay Sen. Jinggoy, kahit gusto ng anak na maging full time sa pag-aartista, mas hangad niyang makapagtapos ng college si Julian dahil alam niyang temporary lang ang maging bahagi ng showbiz.
Bahagi ng Star Magic si Julian at huli niyang ginawa ang pelikulang Relaks, It’s Just Pag-ibig.
- Latest