^

Pang Movies

Imbes na magsaya sa pista ng Batangas Ate Vi inaligaga ni ‘Ruby’!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Naapektuhan ang Ala Eh! Festival ni Ate Vi (Vilma Santos) sa Taal, kasi nga kailangan nilang mag-reschedule ng kanilang mga activities dahil sa bagyong Ruby. Isipin mo nga naman, ang talagang gusto ­nilang mangyari ay dagsain sila ng mga turista, papaano ba namang mangyayari iyon kung kasabay ang isang malakas na bagyo.

Kaya sa halip na nasa isang pista, nakulong na naman sa kanyang opisina sa kapitolyo si Ate Vi dahil kailangan niyang asikasuhin ang evacuation, at iyong relief and rescue operations kung sakali pagkaraan ng bagyo. Pero sabi niya, ok lang naman daw iyon, supervision na lang dahil ang mga mayors naman nila ay laging handa sa mga ganyang problema.

Iyon namang activities ng Ala Eh! Festival, hahanapan nila ng bagong schedule kahit na tapos na ang foundation day ng Batangas, dahil sabi nga ni Ate Vi, obligasyon nilang ituloy iyon lalo na para sa mga naghanda nang husto para sa festival, lalo na nga iyon kanilang Voices, Songs, and Rhythm na kung saan naglalaban-laban ang pinakamahuhusay na singers nila sa buong lalawigan, at saka iyong Binibining Batangas na nakahanda na rin naman lahat ng candidates.

Ang sinasabi nga lang ni Ate Vi, ipinagdarasal niyang sana naman ay hindi gaanong maapektuhan ang Batangas ng malakas na bagyong iyan, para maituloy pa rin agad ang festival at maging masaya pa rin ang Pasko ng mga Batangueño.

Naniniwala rin naman si Ate Vi, na sila ay bi­nibigyang proteksiyon ng Mahal na Birhen kaya hin­di masyadong nasasalanta ang Batangas. Sa Ba­tangas kasi, naroroon ang mapaghimalang Birhen ng Caysasay na nasa Basilica ng Taal, at sinasabing doon din nagpakita ang Mediatrix sa kumbento naman ng mga madreng Carmelita sa Lipa.

Kailangan nga natin ang dasal para sa ating lahat upang hindi na maminsala nang husto ang bagyo.

Press release na pagbalik malabo pa: Claudine inaayawan na ng mga produ

Sinasabi nilang malapit na ring matapos ang mga kaso ni Claudine Barreto na kanyang isinampa laban sa kanyang asawang si Raymart Santiago, at pagkatapos daw noon ay aasikasuhin na niya ang kanyang mga comeback project. Mayroon na bang naghihintay?

Ang mali ni Claudine, matagal niyang pinabayaan ang kanyang career. Tumaba pa siya nang husto, at aminin naman natin na bago pa ang lahat ng kaguluhang kanyang kina­sangkutan, medyo malamlam na ang kanyang career. In fact, iyong ginawa niyang drama anthology noon sa GMA-7 ay hindi na rin maganda ang naging resulta.

Palagay namin, iyon din ang dahilan kung bakit umurong ang mga sinasabi niyang nagbigay sa kanya ng offer na film project. Hindi ba sinasabi niya na may pelikula siyang gagawin sa Viva Films at sa Star Cinema, na parehong may pangakong projects sa kanya. Pare-parehong umurong ang mga iyon.

Kailangan ding aminin natin ang katotohanan na sa panahong ito, marami nang mas bata at mas sikat na artistang babae. Parehong may bet ang mga teritoryong sinasabi niyang mapapasukan niya. May Ka­thryn Bernardo ang ABS-CBN at Star Cine­ma. Mayroon namang Sarah Geronimo ang Viva. Siyempre sa ngayon, doon na muna sila sa sigurado kaysa sa mag-revive pa ng career.

Kailangan magsikap nang husto si Claudine. Palagay namin, hindi ganoon kadali ang kanyang magiging comeback kung sakali.

ALA EH

ATE VI

BATANGAS

BINIBINING BATANGAS

CLAUDINE

KAILANGAN

KANYANG

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with