Anak ni Derek matindi ang galit!
Nakalulungkot ang balita tungkol kay Derek Ramsey. Parang hindi maganda ang naging dating sa amin ng ginawang sulat, supposed to be, ng kanyang labing isang taong gulang na anak. Oo, sulat ng bata iyong inilabas nila sa social media, pero iniisip lang namin, maiisip kaya ng isang batang labing isang taong gulang ang mga sinabi niya sa sulat na iyon, anong talino man niya at anong galit man niya sa kanyang ama? At para ang isang bata ay magkaroon ng ganoon katinding galit sa kanyang ama, ano nga kaya ang kanyang mga naririnig?
Papaano nga kaya naisip noong bata na hindi lamang isulat kundi i-drawing pa ang kanyang hangad na makulong ang kanyang ama?
Kung sa bagay, iniharap nila iyan sa piskalya, at nasa fiscal na iyong appreciation ng ganyang mga ebidensiya kung saan hinihiling ng isang labing isang taong gulang na bata na ipakulong ang tatay niya.
Hindi rin namin maintindihan kung bakit kailangang ungkatin pa sa kasong iyan ang mga pagpunta sa abroad nina Solenn Heussaff, Cristine Reyes, at Angelica Panganiban. Natural lang naman sa mga artista iyong may mga commitment o mga shows maging sa abroad. Natural lang na may biyahe sila, at siguro kung nagkaroon man sila ng kaugnayan kay Derek in any way, ano nga ba ang pakialam nila sa problema ng actor sa babaeng pinakasalan niya? Bakit kailangang may iba pang mga taong madamay?
Pero siyempre bilang isang artista, alam nila na ang pinakaiiwasan nga nila ay iyong magkaroon ng iskandalo dahil makakasira iyon sa kanila. At alam din nila na kailangang magmadali si Derek na makipag-ayos para mas maiwasan ang mas matitindi pang controversy na maaaring makasira sa kanyang image. In fact, apektado na nga ang image ni Derek dahil sa mga akusasyon laban sa kanya. Pero ganoon talaga eh, nasuot siya sa ganyang sitwasyon.
May mga nagtatanong pa nga, ganoon na pala simula pa noong una, bakit nga kaya kailangang maghintay pa ng labing isang taon si Mary Christine Jolly bago siya nagsampa ng demanda laban kay Derek?
Gov. Vi hindi nagsisi sa tinanggihang movie
Maagang nagising si Governor Vilma Santos-Recto, dahil magdamag nga ang ulan at alam niya na malayo man ang bagyo, malaki ang epekto ng malalakas na ulan sa lalawigan ng Batangas, lalo na nga sa mga lugar na tabing dagat.
Sabi nga ni Ate Vi, maaga pa lang daw ay pinagtatawagan na niya ang lahat ng kailangang tawagan lalo na tungkol sa suspensiyon ng klase sa lalawigan, at doon sa mga disaster and relief operations na kailangang isagawa agad.
Ayon pa sa gobernadora, mukha talagang wise decision na tinanggihan niya ang isang film offer sa kanya na kailangang simulan at gawin agad, dahil kung tinanggap niya iyon, tapos dumating ang ganyan kalakas na bagyo, sabit na naman ang trabaho niya. Inaamin naman niyang sa ngayon ay priority niya ang kanyang tungkulin bilang gobernador ng Batangas.
Pero bukod sa bagyo, naniniwala kaming marami pang ibang dahilan kung bakit tamang tinanggihan na lang ni Ate Vi ang project na iyon.
- Latest