^

Pang Movies

Wala namang perpekto: Maling ispeling at grammar ni Gov. Vi pinalaki lang at ginawang isyu

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ilang araw na iyang issue at ayaw nga sana naming patulan, pero hindi talaga tumitigil ang pagtatalo sa mga social networking sites, at hanggang sa mga diyaryo ay usap-usapan. Talaga nga bang dapat na maging issue kung nagkamali man ng spelling ng isang salita si Governor Vilma Santos sa isang personal card na ipinadala kay Kris Aquino?

Una, ang sinasabi nga nila, hindi naman kasi dapat nai-post pa iyong ganoong card dahil masyado na iyong personal. Hindi naman dapat ilabas sa publiko. Pero hindi naman namin sinisisi si Kris Aquino dahil siguro nga na-excite siya nang padalhan siya ng ensaymada ng Star for all Seasons. Feeling niya nakakuha naman siya ng isang matibay at inirerespetong kakampi, dahil lagi naman siyang nabibira sa kanyang mga mali ring statements lalo na sa kanyang mga love affairs. Aba kung pinadalhan ka nga ng ganoong card ng isang sikat na aktres at gobernadora pa, boost nga naman iyon sa kanya.

Iyong card na iyon, pinaniniwalaan naming sinulat nang mabilisan, at matapos sulatin ipinadala na. Hindi man lang binasa. Iyang si Ate Vi, ugali na niya iyong magsusulat nang madalian, minsan nga nagsusulat iyan nang hindi na tinitingnan ang sinusulat niya. Alam namin iyon, ilang taon din namang na-oobserbahan namin ang ugali niyang iyon noong mayroon pa siyang TV show, habang nagkukuwentuhan kami sa loob ng props room. Maniwala kayo, hindi iyan umiistambay sa dressing room na ipinagagamit din niya sa ibang mga guests. Nandoon siya sa props room.

Kami nga eh, inaamin namin. Sa tagal ng panahon na ang ikinabubuhay namin ay pagsusulat, minsan nagkakamali kami sa spelling at sa pagpili ng salita kahit na sa tagalog ha. Kasi ginagawa mo iyan nang madalian, at naii-e-mail mo naman agad nang madalian din dahil sa deadlines.

Hindi kami nahihiyang aminin iyan. Tanungin ninyo ang aming editor na si Salve Asis, at sasabihin niya ang totoo. Pero sa amin, sinasabing iyon ay mga “typographical errors” lamang. Hindi naman dahil sa tanga ka, kaya ka nagkamali. Kaya ayaw nga naming pansinin iyang mga sinasabi nila tungkol kay Ate Vi.

 Anyway, ang gumagawa lang naman niyan ay iyong mga fans na naniniwala pang may kumpe­tisyon sa pagitan ng kanilang idolo kung sino man iyon, at kay Ate Vi. As if, kung sino man ang idolo nila ay puwedeng ilaban sa spelling bee at sa grammar competition. Sus ginoo, wala namang kumpe­tisyon. Si Vilma ay hindi lamang isang established actress, siya ay isang box-office star. Hindi siya isang political dump na nalampaso sa isang eleksiyon at on record, siya ang kandidatong lumamang nang pinakamalaki sa kanyang nakalaban sa eleksiyon sa buong bansa. Siya ay gobernador ng lalawigan ng Batangas at napili pang pinakamahusay na local go­vernment official ng bansa. Anuman ang sabihin mo, si Vilma Santos ay isang taong alam mong may magandang kinabukasan. Hindi mangyayari sa kanya iyong nangungutang siya sa mga kakilala niya para may pambayad siya sa kuryente at upa ng kanyang bahay. Inirerespeto si Vilma Santos kahit na ano pa ang sabihin nila. Walang makapagsasa­bing timawa siya kagaya ng iba riyan. Para sa amin tapos na iyang issue na iyan.

Tamad na talent manager mawawalan na ng talent

Balak na raw layasan ng kanyang mga talent ang isang talent manager na wala naman daw nagagawa sa kanila kung ‘di ang kumuha ng napakala­king komisyon. Nakahalata na rin sila matapos ang ilang taon na hindi naman kumikilos talaga ang kanilang manager, at ang inaasikaso noon ay kung papaano siyang kikita na gagamitin ang kanyang mga talents. Wise na talaga ang talents ngayon.

ATE VI

ISANG

KRIS AQUINO

NAMAN

SIYA

VILMA SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with