^

Pang Movies

Edu hindi na nakikialam sa buhay ni Luis

- Vinia Vivar - Pang-masa

Parang hindi tumatanda si Edu Manzano nang makita namin kahapon sa presscon ng Face the People ng TV5. Ang actor/TV host ang latest addition sa show na magbabagong-bihis simula ngayong Lunes, July 7. Of course, nandiyan pa rin ang dalawang hosts na sina Gelli de Belen and Christine Bersola-Babao.

Nakatsikahan namin si Edu after the Q&A at isa nga sa napag-usapan ay ang planong pagpapakasal ng panganay na anak na si Luis Manzano kay Angel Locsin.

Nang makapanayam namin si Luis kamakailan, sinabi niyang gusto niya sanang mauna ang kasal niya kaysa sa pagtakbo niya sa pulitika on  2016 elections.

Ano ang reaksyon ni Edu rito?

“Ako, never akong nakialam sa kanya. Bahala siya. You know, whatever my children do, I will always support them. All of them. And at 33 (si Luis), matatanda na ang magulang niya, wala na kaming karapatang makialam. Honestly. At wala na rin kaming karapatang mag-comment sa mga tanong,” pahayag ni Edu.

Hindi na raw siya nagpapayo kay Luis since matanda na nga raw ito at biro niya, ang anak pa raw ang nagbibigay ng payo sa kanya.

 “Iba na ngayon, eh,” say pa niyang natatawa.

Lahat daw ng mga anak niya ay may sari-sariling love life na.

 “Lahat. But none of them want to talk about their love life,” kwento pa ni Doods.

Gustung-gusto raw niya ‘yung mga pagsasama-sama nila ng mga anak kasama ang mga boyfriend/girlfriend nito.

“Well, except si Angel (Locsin) because of her schedule, pero minsan, the boyfriends, the girlfriends lahat ‘yan, mas gusto ko na nandiyan sila,” say niya.

Dahil nga 33 na si Luis, mas tama lang daw na mauna muna itong mag-asawa kaysa sa mga kapatid.

“Si Luis muna. Let them (his other 2 children, Enzo and Adi) muna enjoy their lives tulad nang ginawa ni Luis sa buhay niya,” he said.

So, okay lang din na maunahan siya ni Luis na mag-asawa?

 “Well, ang lahat naman ng magulang, nagsasakripisyo para sa kanilang mga anak, eh,” natatawang sambit ni Doods.

Seriously, hindi ba niya naiko-consider na mag-asawa ulit?

 “Happy na ako. I get to travel with my children. Nagbibiyahe kami, nangingibang-bansa.”

So, single and ready to mingle siya?

“Oo, matagal na akong nagmi-mingle, eh. But nobody wants to tingle, eh. Kaya umuuwi akong single na lang,” say niya at nagkatawanan na lang.

Samantala, siyempre ay natanong din namin si Edu tungkol sa latest issue sa ex-wife niyang si Gov. Vilma Santos na na-bash sa social media dahil sa wrong spelling and grammar sa card na ibinigay nito kay Kris Aquino.

Hindi aware si Edu sa issue dahil hindi raw siya nakakapag-Instagram lately at wala naman daw siyang Facebook account. Ang entertainment press na lang ang nagkuwento sa kanya at ang komento na lang niya, minsan daw talaga ay name-misinterpret ng mga tao ang mga naka-posts.

“Well, you know sometimes, interpretation can vary, eh. Depending kung sino ang nagbabasa ng mga post. Kaya in my case, ako, maingat na maingat ako kung saka-sakaling magpo-post ako sa IG.

“I stopped my Facebook, kasi hindi ko rin kayang sagutin ang lahat ng mga nagpo-post. Sa IG naman, mas madali pero I try to stay away from anything that can be misinterpreted. ‘Yun lang naman ako,” he said.

Ganunpaman ay positibo naman si Edu na kayang-kaya naman ni Ate Vi ang issue.

“Eto ‘yung mga small bumps on the road. I’m sure she’s been through worst. We all at one time or another. Kasi minsan, baka hindi naman ‘yun ‘yung ating punto pero it’s read as such. People now these days, with the advent of social media, everybody has a voice now,” pahayag pa ni Doods.

Anyway, starting on Monday ay mapapanood na ang Face the People sa bago nitong time slot na 10:15 a.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

ANGEL LOCSIN

ATE VI

DOODS

EDU

FACE THE PEOPLE

LUIS

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with