^

Pang Movies

Pelikulang ipinanalo ng Manunuri hindi napanood sa mga sinehan

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi sina Vilma Santos at Nora Aunor ang nanalong best actress sa Urian. Hindi rin ang isa pang grand slam winner na si Lorna Tolentino. Hindi nanalo ang mga mainstream actresses. Ang pinili nila ay ang isang aktres sa legitimate stage at baguhan sa pelikula na si Angeli Bayani.

Hindi kami magbibigay ng anumang opinion sa mga bagay na iyan, dahil hindi namin napanood ang kanyang pelikula, na siya rin naman napiling best picture ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino. Nagka­katanungan nga kami kung ano iyon. Obviously sa aming grupo ay walang nakapanood ng nasabing pelikula. Ni hindi naman yata iyon nagkaroon ng regular run sa mga sinehan.

 Ang problema ng mga pelikulang indie. Palibhasa iyon ay mga pelikulang tinipid sa puhunan, ang nangyayari ay kumukuha sila ng mga artistang hindi kilala ng masa. Minsan naman ang ginagawa nila ay mga mahahalay na pelikula lamang. Iyong mga mahahalay at mga pambaklang indie, nailalabas pa iyon sa mga third class theatres. Iyong mga walang artista, straight to video na lang iyon, o kaya kahit na nga sa video ay wala. Naghahanap na lang sila ng pagkakataon na maisali iyon sa mga film festival sa abroad, baka sakaling manalo kahit na sa mga hotoy-hotoy na festivals at masabi nilang nanalo sila. Pero hindi sila nailalabas sa mga sinehan kaya wala ring kita.

Sa ganyang estado ng mga pelikulang indie, hindi mo masasabing iyan ang pag-asa ng industriya dahil hindi nga sila kumikita, papaano makatutulong iyan sa isang industriya? Ang kailangan sa industriya ay mga pelikulang kikita para may mamuhunan, kumita ang mga manggagawa, at may pagkakitaan din naman ang mga sinehan. Iyang mga pelikulang indie, sabihin mo mang maganda, hindi naman pinanonood ng masa kaya bagsak din.

Inaamin namin, wala kaming napanood isa man sa mga pelikula at mga artistang nanalo sa kanilang awards. Kasi bilang isang manonood ng sine, ang gusto namin ay iyong kumportable naman kami dahil nagbabayad kami ng malaki eh. Hindi naman kami kagaya ng mga kritiko na libre lang kung manood ng sine. Para sa isang nagbabayad, gusto siyempre niya sulit din ang ibinabayad niya. Natural pipili siya ng magagandang sinehan, at hindi nailalabas diyan ang mga indie.

Nanay ni Sarah iba hindi na alam ang kaugaliang Pinoy

Alam namin, sisingaw at sisingaw din naman ang mga intriga na nasaktan ang ina ni Sarah Lahbati dahil parang naging tau-tauhan daw sila sa binyag at birthday ng kanilang apo. Nalagay sila sa isang sulok at parang nadagdagan pa ang nangyari nang mainsulto ang nanay ni Sarah nang “para akong patay gutom na pinagbabalot pa ng tirang pagkain”.

Mahirap mo na talagang maitago iyan dahil inilagay ng nanay ni Sarah ang mga sama niya ng loob sa isang social networking site. Kahit na nga tinanggal din agad niya iyon, marami na ang nakakita at natural pag-uusapan na.

Ang problema naman ay simple lang eh. Inalok siyang mag-uwi ng pagkain. Hindi naman talagang tira iyon eh kung ‘di nasobrang pagkain sa ka­nilang handa. Natural na kaugalian iyon ng mga Pilipino, sinasabihan nila ang mga kapamilya nila na mag-uwi ng sobrang pagkain. Kasi naging ugali natin iyong hindi nagsasayang ng pagkain. Iyong tatay ni Sarah ay Moroccan. Iyong nanay niya ay Pinay, pero baka ibang kaugalian na ang nakagis­nan, kaya nga baka nainsulto sila sa ganoon, pero sa mga Pilipino, walang problema ang ganoong alok. Sana nga maayos nila ang gulong iyan.

ANGELI BAYANI

IYON

IYONG

KASI

LORNA TOLENTINO

NAMAN

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with